Juan 10:39

Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay.

Juan 7:30

Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras.

Juan 8:59

Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.

Juan 7:44

At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya.

Lucas 4:29-30

At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.

Juan 10:31

Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag