Juan 11:39

Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay.

Juan 11:17

Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw na siya'y nalilibing.

Genesis 3:19

Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.

Genesis 23:4

Ako'y tagaibang bayan at nakikipamayan sa inyo: bigyan ninyo ako ng isang pag-aaring libingan sa gitna ninyo, upang aking ilibing ang aking patay, na malingid sa aking paningin.

Awit 49:7

Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:

Awit 49:9

Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.

Awit 49:14

Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan.

Marcos 16:3

At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?

Mga Gawa 2:27

Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

Mga Gawa 13:36

Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.

Mga Taga-Filipos 3:21

Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.

Treasury of Scripture Knowledge did not add