Juan 6:42
At kanilang sinabi, Hindi baga ito'y si Jesus, ang anak ni Jose, na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina? paano ngang sinasabi niya, Ako'y bumabang galing sa langit?
Lucas 4:22
At siya'y pinatotohanan ng lahat, at nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, Hindi baga ito ang anak ni Jose?
Mateo 13:55-56
Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang kaniyang mga kapatid?
Marcos 6:3
Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.
Juan 6:38
Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
Juan 6:62
Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una?
Juan 7:27-28
Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam kung taga saan siya.
Mga Taga-Roma 1:3-4
Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,
Mga Taga-Roma 9:5
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.
1 Corinto 15:47
Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.
Mga Taga-Galacia 4:4
Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan,
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag