Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.
New American Standard Bible
A wise son makes a father glad, But a foolish man despises his mother.
Mga Halintulad
Kawikaan 10:1
Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
Kawikaan 29:3
Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
Kawikaan 30:17
Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila.
Exodo 20:12
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Levitico 19:3
Matatakot ang bawa't isa sa inyo, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama, at ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath: ako ang Panginoon ninyong Dios.
1 Mga Hari 1:48
At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata.
1 Mga Hari 2:9
Ngayon nga'y huwag mong ariing walang sala, sapagka't ikaw ay lalaking pantas: at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya, at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol.
1 Mga Hari 5:7
At nangyari nang mabalitaan ni Hiram ang mga salita ni Salomon, na siya'y nagalak na mainam, at nagsabi, Purihin ang Panginoon sa araw na ito, na nagbigay kay David ng isang pantas na anak, sa malaking bayang ito.
Kawikaan 23:15-16
Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
Kawikaan 23:22
Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
Mga Taga-Filipos 2:22
Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.