52 Talata sa Bibliya tungkol sa Ina, Mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 12:48

Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid?

Juan 19:27

Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

Ezekiel 16:44

Narito, bawa't sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo, na sasabihin, Kung ano ang ina, gayon ang kaniyang anak na babae.

Mateo 15:5

Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:

Kawikaan 28:24

Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, hindi ito pagsalangsang; Yao'y kasama rin ng maninira.

Mga Hebreo 7:3

Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man.

Marcos 3:31

At dumating nga ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.

Juan 19:26

Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak!

Awit 131:2

Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.

Isaias 66:11

Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian.

Juan 2:5

Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin.

1 Samuel 2:19

Bukod sa rito'y iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal, at dinadala sa kaniya taon-taon, pagka siya'y umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon.

Ezekiel 16:45

Ikaw ang anak na babae ng iyong ina, na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid, na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak: ang inyong ina ay Hetea, at ang inyong ama ay Amorrheo.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a