Kawikaan 19:7
Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila.
Awit 38:11
Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo.
Kawikaan 19:4
Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan.
Kawikaan 18:23
Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik: nguni't ang mayaman ay sumasagot na may kagilasan.
Awit 88:8
Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
Awit 88:18
Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim.
Kawikaan 14:20
Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
Kawikaan 21:13
Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
Mangangaral 9:15-16
May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake, at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan; gayon ma'y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon.
Lucas 18:38-40
At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
Santiago 2:6
Nguni't inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?
Santiago 2:15-16
Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,
1 Juan 3:17-18
Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya?
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag