Kawikaan 3:8

Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto.

Job 21:24

Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.

Kawikaan 4:22

Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.

Awit 147:3

Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.

Kawikaan 16:24

Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.

Isaias 1:6

Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat: hindi nangatikom, o nangatalian man, o nangapahiran man ng langis.

Jeremias 30:12-13

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.

Ezekiel 16:4-5

At tungkol sa iyong kapanganakan, nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod, o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka; ikaw ay hindi pinahiran ng asin, o nabalot man.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag