Kawikaan 30:32
Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
Job 21:5
Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
Job 40:4
Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig,
Kawikaan 17:28
Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
Kawikaan 26:12
Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
Mangangaral 8:3-4
Huwag kang magmadaling umalis sa kaniyang harapan; huwag kang mamalagi sa masamang bagay: sapagka't kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan.
Mikas 7:16-17
Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.
Mga Taga-Roma 3:19
Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag