Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan.
New American Standard Bible
And the whole multitude of the people were in prayer outside at the hour of the incense offering.
Mga Halintulad
Levitico 16:17
At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel.
Pahayag 8:3
At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.
Mga Hebreo 4:14
Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.
Mga Hebreo 9:24
Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin:
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
9 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan. 10 At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan. 11 At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.