Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At samantalang siya'y lumalakad, ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan.
New American Standard Bible
As He was going, they were spreading their coats on the road.
Mga Paksa
Mga Halintulad
2 Mga Hari 9:13
Nang magkagayo'y sila'y nangagmadali, at kinuha ng bawa't isa ang kaniyang kasuutan, at inilagay sa ilalim niya sa ibabaw ng hagdan, at humihip ng pakakak, na nagsasabi, Si Jehu ay hari.
Mateo 21:8
At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
35 At dinala nila siya kay Jesus: at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno, at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon. 36 At samantalang siya'y lumalakad, ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan. 37 At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita.