Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa.

New American Standard Bible

And Jesus said to them, "You will all fall away, because it is written, 'I WILL STRIKE DOWN THE SHEPHERD, AND THE SHEEP SHALL BE SCATTERED.'

Mga Halintulad

Zacarias 13:7

Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

Mateo 26:31

Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.

Juan 16:32

Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.

Lucas 22:31-32

Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

Juan 16:1

Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, upang kayo'y huwag mangatisod.

2 Timoteo 4:16

Sa aking unang pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

26 At pagkaawit nila ng isang imno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo. 27 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa. 28 Gayon ma'y pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org