Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
New American Standard Bible
"Whoever then humbles himself as this child, he is the greatest in the kingdom of heaven.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Mateo 23:11-12
Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.
Awit 131:1-2
Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Isaias 57:15
Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.
Mateo 18:1
Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?
Mateo 20:26-27
Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
Marcos 10:43
Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo;
Lucas 9:48
At sinabi sa kanila, Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: sapagka't ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila.
Lucas 14:11
Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.
Santiago 4:10
Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
1 Pedro 5:5
Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
3 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. 4 Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 At sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap: