25 Talata sa Bibliya tungkol sa Kapakumbabaan at Kapalaluan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.
Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.
Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.
Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan.
Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.
Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan:
Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: nguni't ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa.
At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;
Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob.
Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.
Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.
Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
Mga Katulad na Paksa
- Ang Biyayang Ibinigay sa mga Tao
- Ang Kayabangan
- Ang Kayabangan ay Ibabagsak
- Ang May Dangal ay Pararangalan
- Biyaya
- Biyaya sa Buhay Kristyano
- Diyos at ang Mapagpakumbaba
- Diyos na Laban
- Diyos na Laban sa mga Palalo
- Diyos na Mapagbiyaya
- Diyos, Biyaya ng
- Espiritu, Damdaming Aspeto ng
- Etika at Biyaya
- Ganda at Dangal
- Habag ng Diyos, Tugon sa
- Hamak
- Kahambugan
- Kahihiyan
- Kahirapan, Espirituwal na
- Kapakumbabaan
- Kapakumbabaan
- Kapakumbabaan
- Kapakumbabaan
- Kapakumbabaan ng Sarili
- Kapalaluan
- Kapalaluan, Bunga ng
- Kapalaluan, Kasamaan ng
- Katangian ng Mananampalataya
- Kawikaan, Mga
- Kayabangan
- Magpakumbaba Ka
- Magpakumbaba!
- Mahabaging Puso
- Mapitagan
- Nagpapalakas na Biyaya
- Pagbagsak
- Pagbagsak ng Mayabang
- Paghamak sa mga Tao
- Pagiging Mapagpakumbaba
- Pagkamakasarili
- Pagkawasak
- Pagmamahal sa Bawat Isa
- Pagsalungat sa Kasalanan at Kasamaan
- Palakaibigan
- Palalong Puso, Mga
- Pansin, Naghahanap ng
- Pinagmumulan ng Dangal
- Pusong Makasalanan at Tinubos
- Tagumpay
- Takot sa Diyos
- Tiwala at Tingin sa Sarili
- Tukso, Pinagmumulan ng
- Ugali ng Kapakumbabaan
- Ugali ng Kapalaluan