Mateo 22:46
At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.
Marcos 12:34
At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
Lucas 20:40
Sapagka't hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
Lucas 14:6
At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito.
Job 32:15-16
Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa; Sila'y walang salitang masabi,
Isaias 50:2-9
Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y tumawag, ay walang sumagot? naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
Mateo 21:27
At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. Kaniyang sinabi naman sa kanila, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Lucas 13:17
At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit: at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
Juan 8:7-9
Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.
Mga Gawa 4:14
At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag