Mga Bilang 7:84

Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto:

Mga Bilang 7:10

At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.

Mga Bilang 7:1

At nangyari ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, at mapahiran ng langis at mapaging banal, pati ng lahat ng kasangkapan niyaon, at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at mapahiran ng langis at mapaging banal;

1 Paralipomeno 29:6-8

Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari;

Ezra 2:68-69

At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan:

Nehemias 7:70-72

At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.

Isaias 60:6-10

Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.

Mga Hebreo 13:10

Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.

Pahayag 21:14

At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag