Mga Gawa 11:26

At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia.

Mga Gawa 26:28

At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano.

1 Pedro 4:16

Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

Isaias 65:15

At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:

Mateo 28:19

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

Mga Gawa 6:5

At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio;

Mga Gawa 11:20

Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus.

Mga Gawa 11:22

At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si Bernabe hanggang sa Antioquia:

Mga Gawa 11:27

Nang mga araw ngang ito ay may lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem.

Mga Gawa 13:1-2

Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo.

Mga Gawa 14:23

At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.

Mga Gawa 14:27

At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.

1 Corinto 4:17

Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.

1 Corinto 11:18

Sapagka't unauna'y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.

1 Corinto 12:12

Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

1 Corinto 14:23

Kung ang buong iglesia nga'y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika, at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya, hindi baga nila sasabihing kayo'y mga ulol?

Mga Taga-Efeso 3:15

Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,

1 Pedro 4:14

Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.

1 Juan 2:27

At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

Pahayag 3:18

Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag