1 At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?

1 The high priest said, “Are these things so?”

2 At sinabi niya, Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, bago siya tumahan sa Haran,

2 And he said, “Hear me, brethren and fathers! The God of glory appeared to our father Abraham when he was in Mesopotamia, before he lived in Haran,

3 At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.

3 and said to him, ‘Leave your country and your relatives, and come into the land that I will show you.’

4 Nang magkagayo'y umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon:

4 Then he left the land of the Chaldeans and settled in Haran. From there, after his father died, God had him move to this country in which you are now living.

5 At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.

5 But He gave him no inheritance in it, not even a foot of ground, and yet, even when he had no child, He promised that He would give it to him as a possession, and to his descendants after him.

6 At ganito ang sinalita ng Dios, na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.

6 But God spoke to this effect, that his descendants would be aliens in a foreign land, and that they would be enslaved and mistreated for four hundred years.

7 At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.

7 And whatever nation to which they will be in bondage I Myself will judge,’ said God, ‘and after that they will come out and serve Me in this place.’

8 At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.

8 And He gave him the covenant of circumcision; and so Abraham became the father of Isaac, and circumcised him on the eighth day; and Isaac became the father of Jacob, and Jacob of the twelve patriarchs.

9 At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,

9 “The patriarchs became jealous of Joseph and sold him into Egypt. Yet God was with him,

10 At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.

10 and rescued him from all his afflictions, and granted him favor and wisdom in the sight of Pharaoh, king of Egypt, and he made him governor over Egypt and all his household.

11 Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.

11 “Now a famine came over all Egypt and Canaan, and great affliction with it, and our fathers could find no food.

12 Datapuwa't nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.

12 But when Jacob heard that there was grain in Egypt, he sent our fathers there the first time.

13 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.

13 On the second visit Joseph made himself known to his brothers, and Joseph’s family was disclosed to Pharaoh.

14 At nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.

14 Then Joseph sent word and invited Jacob his father and all his relatives to come to him, seventy-five persons in all.

15 At lumusong si Jacob sa Egipto; at namatay siya, at ang ating mga magulang.

15 And Jacob went down to Egypt and there he and our fathers died.

16 At sila'y inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.

16 From there they were removed to Shechem and laid in the tomb which Abraham had purchased for a sum of money from the sons of Hamor in Shechem.

17 Datapuwa't nang nalalapit na ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,

17 “But as the time of the promise was approaching which God had assured to Abraham, the people increased and multiplied in Egypt,

18 Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.

18 until there arose another king over Egypt who knew nothing about Joseph.

19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.

19 It was he who took shrewd advantage of our race and mistreated our fathers so that they would expose their infants and they would not survive.

20 Nang panahong yaon, ay ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:

20 It was at this time that Moses was born; and he was lovely in the sight of God, and he was nurtured three months in his father’s home.

21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.

21 And after he had been set outside, Pharaoh’s daughter took him away and nurtured him as her own son.

22 At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.

22 Moses was educated in all the learning of the Egyptians, and he was a man of power in words and deeds.

23 Datapuwa't nang siya'y magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.

23 But when he was approaching the age of forty, it entered his mind to visit his brethren, the sons of Israel.

24 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:

24 And when he saw one of them being treated unjustly, he defended him and took vengeance for the oppressed by striking down the Egyptian.

25 At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa.

25 And he supposed that his brethren understood that God was granting them deliverance through him, but they did not understand.

26 At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan?

26 On the following day he appeared to them as they were fighting together, and he tried to reconcile them in peace, saying, ‘Men, you are brethren, why do you injure one another?’

27 Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin?

27 But the one who was injuring his neighbor pushed him away, saying, ‘Who made you a ruler and judge over us?

28 Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio?

28 You do not mean to kill me as you killed the Egyptian yesterday, do you?’

29 At sa salitang ito'y tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.

29 At this remark, Moses fled and became an alien in the land of Midian, where he became the father of two sons.

30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.

30 “After forty years had passed, an angel appeared to him in the wilderness of Mount Sinai, in the flame of a burning thorn bush.

31 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,

31 When Moses saw it, he marveled at the sight; and as he approached to look more closely, there came the voice of the Lord:

32 Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.

32 ‘I am the God of your fathers, the God of Abraham and Isaac and Jacob.’ Moses shook with fear and would not venture to look.

33 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.

33 But the Lord said to him,Take off the sandals from your feet, for the place on which you are standing is holy ground.

34 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.

34 I have certainly seen the oppression of My people in Egypt and have heard their groans, and I have come down to rescue them; come now, and I will send you to Egypt.’

35 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.

35 “This Moses whom they disowned, saying, ‘Who made you a ruler and a judge?’ is the one whom God sent to be both a ruler and a deliverer with the help of the angel who appeared to him in the thorn bush.

36 Pinatnugutan sila ng taong ito, pagkagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.

36 This man led them out, performing wonders and signs in the land of Egypt and in the Red Sea and in the wilderness for forty years.

37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.

37 This is the Moses who said to the sons of Israel, ‘God will raise up for you a prophet like me from your brethren.’

38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:

38 This is the one who was in the congregation in the wilderness together with the angel who was speaking to him on Mount Sinai, and who was with our fathers; and he received living oracles to pass on to you.

39 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,

39 Our fathers were unwilling to be obedient to him, but repudiated him and in their hearts turned back to Egypt,

40 Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.

40 saying to Aaron, ‘Make for us gods who will go before us; for this Moses who led us out of the land of Egyptwe do not know what happened to him.’

41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.

41 At that time they made a calf and brought a sacrifice to the idol, and were rejoicing in the works of their hands.

42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?

42 But God turned away and delivered them up to serve the host of heaven; as it is written in the book of the prophets, ‘It was not to Me that you offered victims and sacrifices forty years in the wilderness, was it, O house of Israel?

43 At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc, At ang bituin ng dios Refan, Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin: At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.

43 You also took along the tabernacle of Moloch and the star of the god Rompha, the images which you made to worship. I also will remove you beyond Babylon.’

44 Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.

44 “Our fathers had the tabernacle of testimony in the wilderness, just as He who spoke to Moses directed him to make it according to the pattern which he had seen.

45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;

45 And having received it in their turn, our fathers brought it in with Joshua upon dispossessing the nations whom God drove out before our fathers, until the time of David.

46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.

46 David found favor in God’s sight, and asked that he might find a dwelling place for the God of Jacob.

47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.

47 But it was Solomon who built a house for Him.

48 Bagama't ang Kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,

48 However, the Most High does not dwell in houses made by human hands; as the prophet says:

49 Ang langit ay ang aking luklukan, At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa: Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon: O anong dako ang aking pahingahan?

49 Heaven is My throne,And earth is the footstool of My feet;What kind of house will you build for Me?’ says the Lord,Or what place is there for My repose?

50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?

50 Was it not My hand which made all these things?’

51 Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.

51 “You men who are stiff-necked and uncircumcised in heart and ears are always resisting the Holy Spirit; you are doing just as your fathers did.

52 Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;

52 Which one of the prophets did your fathers not persecute? They killed those who had previously announced the coming of the Righteous One, whose betrayers and murderers you have now become;

53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.

53 you who received the law as ordained by angels, and yet did not keep it.”

54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.

54 Now when they heard this, they were cut to the quick, and they began gnashing their teeth at him.

55 Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios,

55 But being full of the Holy Spirit, he gazed intently into heaven and saw the glory of God, and Jesus standing at the right hand of God;

56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.

56 and he said, “Behold, I see the heavens opened up and the Son of Man standing at the right hand of God.”

57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;

57 But they cried out with a loud voice, and covered their ears and rushed at him with one impulse.

58 At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.

58 When they had driven him out of the city, they began stoning him; and the witnesses laid aside their robes at the feet of a young man named Saul.

59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.

59 They went on stoning Stephen as he called on the Lord and said, “Lord Jesus, receive my spirit!”

60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.

60 Then falling on his knees, he cried out with a loud voice, “Lord, do not hold this sin against them!” Having said this, he fell asleep.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org