Mga Hebreo 9:13
Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:
Levitico 16:14-16
At siya'y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan: at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo.
Mga Bilang 8:7
At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis.
Mga Bilang 19:2-21
Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa iyo ng isang mapulang guyang bakang babae, na walang kapintasan, na walang dungis, na hindi pa napapatungan ng pamatok.
2 Paralipomeno 30:19
Na naglalagak ng kaniyang puso upang hanapin ang Dios, ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang, bagaman hindi siya nalinis ng ayon sa paglilinis sa santuario.
Awit 51:7
Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
Mga Gawa 15:9
At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.
1 Pedro 1:22
Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag