1 At nangyari nang mga araw na yaon, nang walang hari sa Israel, na may isang Levita na nakikipamayan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim, na kumuha ng babae mula sa Bethlehem-juda.

1 Now it came about in those days, when there was no king in Israel, that there was a certain Levite staying in the remote part of the hill country of Ephraim, who took a concubine for himself from Bethlehem in Judah.

2 At ang kaniyang babae ay nagpatutot at iniwan siya na napasa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem-juda, at dumoon sa loob ng apat na buwan.

2 But his concubine played the harlot against him, and she went away from him to her father’s house in Bethlehem in Judah, and was there for a period of four months.

3 At ang kaniyang asawa ay yumaon at sumunod sa kaniya, upang makiusap na maigi sa kaniya, na ibalik siya, na kasama ang kaniyang bataan, at dalawang magkatuwang na asno: at ipinasok siya ng babae sa bahay ng kaniyang ama: at nang makita siya ng ama ng babae, ay galak na sinalubong siya.

3 Then her husband arose and went after her to speak tenderly to her in order to bring her back, taking with him his servant and a pair of donkeys. So she brought him into her father’s house, and when the girl’s father saw him, he was glad to meet him.

4 At pinigil siya ng kaniyang biyanan, ng ama ng babae; at siya'y tumahang kasama niya na tatlong araw: sa gayo'y sila'y nagkainan at naginuman, at tumuloy roon.

4 His father-in-law, the girl’s father, detained him; and he remained with him three days. So they ate and drank and lodged there.

5 At nangyari nang ikaapat na araw, na sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at siya'y bumangon upang yumaon: at sinabi ng ama ng babae sa kaniyang manugang, Palakasin mo muna ang iyong puso ng isang subong tinapay, at pagkatapos ay ipagpatuloy ninyo ang inyong lakad.

5 Now on the fourth day they got up early in the morning, and he prepared to go; and the girl’s father said to his son-in-law, “Sustain yourself with a piece of bread, and afterward you may go.”

6 Sa gayo'y naupo sila, at kumain at uminom silang dalawa: at sinabi ng ama ng babae sa lalake, Isinasamo ko sa iyo na magsaya ka, at magpahinga sa buong gabi, at matuwa ang iyong puso.

6 So both of them sat down and ate and drank together; and the girl’s father said to the man, “Please be willing to spend the night, and let your heart be merry.”

7 At ang lalake ay bumangon upang umalis; nguni't pinilit siya ng kaniyang biyanan; at siya'y tumigil uli roon.

7 Then the man arose to go, but his father-in-law urged him so that he spent the night there again.

8 At siya'y bumangong maaga sa kinaumagahan nang ikalimang araw upang yumaon; at sinabi ng ama ng babae, Isinasamo ko sa iyong palakasin mo muna ang iyong puso, at maghintay ka hanggang sa kumulimlim ang araw; at sila'y kumain, silang dalawa.

8 On the fifth day he arose to go early in the morning, and the girl’s father said, “Please sustain yourself, and wait until afternoon”; so both of them ate.

9 At nang tumindig ang lalake upang yumaon, siya, at ang kaniyang babae, at ang kaniyang bataan, ay sinabi ng kaniyang biyanan, na ama ng kaniyang babae, sa kaniya, Narito, ngayo'y ang araw ay gumagabi na, isinasamo ko sa inyong magpahinga sa buong gabi: narito, ang araw ay nananaw; tumigil dito, upang ang iyong puso ay sumaya; at bukas ay yumaon kayong maaga sa inyong paglakad, upang makauwi ka.

9 When the man arose to go along with his concubine and servant, his father-in-law, the girl’s father, said to him, “Behold now, the day has drawn to a close; please spend the night. Lo, the day is coming to an end; spend the night here that your heart may be merry. Then tomorrow you may arise early for your journey so that you may go home.”

10 Nguni't hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon, kundi siya'y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus (na siyang Jerusalem): at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak; ang kaniyang babae ay kasama rin niya.

10 But the man was not willing to spend the night, so he arose and departed and came to a place opposite Jebus (that is, Jerusalem). And there were with him a pair of saddled donkeys; his concubine also was with him.

11 Nang sila'y nasa tabi na ng Jebus, ang araw ay nananaw; at sinabi ng bataan sa kaniyang panginoon, Isinasamo ko sa iyo na halina, at tayo'y lumiko sa bayang ito ng mga Jebuseo, at tumigil dito.

11 When they were near Jebus, the day was almost gone; and the servant said to his master, “Please come, and let us turn aside into this city of the Jebusites and spend the night in it.”

12 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, Hindi tayo liliko sa bayan ng iba, na hindi sa mga anak ni Israel; kundi dadaan tayo sa Gabaa.

12 However, his master said to him, “We will not turn aside into the city of foreigners who are not of the sons of Israel; but we will go on as far as Gibeah.”

13 At sinabi niya sa kaniyang alipin, Halina at tayo'y lumapit sa isa sa mga dakong ito; at tayo'y titigil sa Gabaa o sa Rama.

13 He said to his servant, “Come and let us approach one of these places; and we will spend the night in Gibeah or Ramah.”

14 Sa gayo'y nagdaan sila at nagpatuloy ng kanilang paglakad; at nilubugan sila ng araw sa malapit sa Gabaa, na nauukol sa Benjamin.

14 So they passed along and went their way, and the sun set on them near Gibeah which belongs to Benjamin.

15 At sila'y lumiko roon, upang pumasok na tumigil sa Gabaa: at sila'y pumasok, at naupo sila sa lansangan ng bayan: sapagka't walang taong magpatuloy sa kanila.

15 They turned aside there in order to enter and lodge in Gibeah. When they entered, they sat down in the open square of the city, for no one took them into his house to spend the night.

16 At, narito, may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw; ang lalake nga'y taga lupaing maburol ng Ephraim, at nakikipamayan sa Gabaa; nguni't ang mga tao sa dakong yaon ay mga Benjamita.

16 Then behold, an old man was coming out of the field from his work at evening. Now the man was from the hill country of Ephraim, and he was staying in Gibeah, but the men of the place were Benjamites.

17 At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan; at sinabi ng matandang lalake, Saan ka paroroon? at saan ka nanggaling?

17 And he lifted up his eyes and saw the traveler in the open square of the city; and the old man said, “Where are you going, and where do you come from?”

18 At sinabi niya sa kaniya, Kami ay nagdadaang mula sa Bethlehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim; tagaroon ako at ako'y naparon sa Bethlehem-juda: at ako'y pasasabahay ng Panginoon; at walang taong magpatuloy sa akin.

18 He said to him, “We are passing from Bethlehem in Judah to the remote part of the hill country of Ephraim, for I am from there, and I went to Bethlehem in Judah. But I am now going to my house, and no man will take me into his house.

19 Gayon man ay may dayami at damo para sa aming mga asno; at may tinapay at alak naman para sa akin, at sa iyong lingkod na babae, at sa batang kasama ng iyong mga lingkod: walang kakulangang anomang bagay,

19 Yet there is both straw and fodder for our donkeys, and also bread and wine for me, your maidservant, and the young man who is with your servants; there is no lack of anything.”

20 At sinabi ng matandang lalake, Kapayapaan nawa ang sumaiyo; sa anomang paraa'y pabayaan mo sa akin ang lahat ng iyong mga kailangan: at huwag ka lamang tumigil sa lansangan.

20 The old man said, “Peace to you. Only let me take care of all your needs; however, do not spend the night in the open square.”

21 Sa gayo'y kaniyang ipinasok sa kaniyang bahay, at binigyan ng pagkain ang mga asno: at sila'y naghugas ng kanilang mga paa, at nagkainan at naginuman.

21 So he took him into his house and gave the donkeys fodder, and they washed their feet and ate and drank.

22 Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso, narito, ang mga lalake sa bayan, na ilang hamak na tao, ay kinubkob ang bahay sa palibot, na hinahampas ang pintuan; at sila'y nagsalita sa may-ari ng bahay, sa matanda, na sinasabi, Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya.

22 While they were celebrating, behold, the men of the city, certain worthless fellows, surrounded the house, pounding the door; and they spoke to the owner of the house, the old man, saying, “Bring out the man who came into your house that we may have relations with him.”

23 At lumabas sa kanila ang lalake, ang may-ari ng bahay, at sinabi sa kanila, Huwag, mga kapatid ko, isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan; yamang ang lalaking ito'y pumasok sa aking bahay, ay huwag ninyong gawin ang kaululang ito.

23 Then the man, the owner of the house, went out to them and said to them, “No, my fellows, please do not act so wickedly; since this man has come into my house, do not commit this act of folly.

24 Narito, nandito ang aking anak na dalaga, at ang kaniyang babae; akin silang ilalabas ngayon, at pangayupapain ninyo sila, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa kanila: nguni't sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anomang masama.

24 Here is my virgin daughter and his concubine. Please let me bring them out that you may ravish them and do to them whatever you wish. But do not commit such an act of folly against this man.”

25 Nguni't hindi siya dininig ng mga lalake: sa gayo'y hinawakan ng lalake ang kaniyang babae at inilabas sa kanila: at sinipingan nila siya, at hinalay buong gabi hanggang sa kinaumagahan; at nang magbukang liwayway, ay pinayaon nila siya.

25 But the men would not listen to him. So the man seized his concubine and brought her out to them; and they raped her and abused her all night until morning, then let her go at the approach of dawn.

26 Nang magkagayo'y dumating ang babae, pagbubukang liwayway, at nabuwal sa pintuan ng bahay ng lalake, na kinaroroonan ng kaniyang panginoon, hanggang sa lumiwanag.

26 As the day began to dawn, the woman came and fell down at the doorway of the man’s house where her master was, until full daylight.

27 At bumangon ang kaniyang panginoon ng kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay, at lumabas na nagpatuloy ng kaniyang lakad: at, narito, ang babae na kaniyang kinakasama ay nakabuwal sa pintuan ng bahay, na ang kaniyang mga kamay ay nasa tayuan.

27 When her master arose in the morning and opened the doors of the house and went out to go on his way, then behold, his concubine was lying at the doorway of the house with her hands on the threshold.

28 At sinabi niya sa kaniya, Bumangon ka, at tayo na; nguni't walang sumagot: nang magkagayo'y kaniyang isinakay sa asno; at ang lalake ay bumangon, at napasa kaniyang dako.

28 He said to her, “Get up and let us go,” but there was no answer. Then he placed her on the donkey; and the man arose and went to his home.

29 At nang siya'y pumasok sa kaniyang bahay, ay kumuha siya ng isang sundang, at itinaga sa kaniyang babae, at pinagputolputol siya ayon sa kaniyang buto, ng labing dalawang putol; at ipinadala siya sa lahat ng hangganan ng Israel.

29 When he entered his house, he took a knife and laid hold of his concubine and cut her in twelve pieces, limb by limb, and sent her throughout the territory of Israel.

30 At nangyari, na lahat ng nakakita ay nagsabi, Walang ganitong gawang ginawa o nakita man mula sa araw na umahon ang mga anak ni Israel na mula sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito: kayo'y magdilidili, pumayo, at magsalita.

30 All who saw it said, “Nothing like this has ever happened or been seen from the day when the sons of Israel came up from the land of Egypt to this day. Consider it, take counsel and speak up!”

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org