Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan, sa makatuwid baga'y ng lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan ng bayan ng Dios, na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak.
New American Standard Bible
The chiefs of all the people, even of all the tribes of Israel, took their stand in the assembly of the people of God, 400,000 foot soldiers who drew the sword.
Mga Halintulad
Mga Hukom 8:10
Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong hukbo ng mga anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na humahawak ng tabak.
Mga Hukom 20:15
At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan, na dalawang pu't anim na libong lalake na humahawak ng tabak, bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang, na pitong daang piling lalake.
Mga Hukom 20:17
At binilang ang mga lalake sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak: lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma.
2 Samuel 24:9
At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake.
2 Mga Hari 3:26
At nang makita ng hari sa Moab na ang pagbabaka ay totoong malala sa ganang kaniya ay nagsama siya ng pitong daang lalake na nagsisihawak ng tabak, upang dumaluhong sa hari sa Edom: nguni't hindi nila nagawa.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
1 Nang magkagayo'y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang kapisanan ay nagpisang gaya ng isang tao sa Panginoon sa Mizpa, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na kalakip ng lupain ng Galaad. 2 At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan, sa makatuwid baga'y ng lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan ng bayan ng Dios, na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak. 3 (Nabalitaan nga ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa.) At sinabi ng mga anak ni Israel, Saysayin ninyo sa amin kung bakit ang kasamaang ito ay nangyari?