Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

New American Standard Bible

The angel of the LORD appeared to him and said to him, "The LORD is with you, O valiant warrior."

Mga Halintulad

Lucas 1:28

At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo.

Josue 1:5

Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita.

Mga Hukom 13:3

At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.

Lucas 1:11

At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.

Josue 1:9

Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.

Exodo 3:12

At kaniyang sinabi, Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito.

Mga Hukom 2:18

At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.

Ruth 2:4

At, narito, si Booz ay nanggaling sa Bethlehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon.

Mateo 1:23

Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.

Mateo 28:20

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Mga Gawa 18:9-10

At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

11 At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na Abiezerita: at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita. 12 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang. 13 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org