62 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tagapagpahayag

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Mga Hari 18:28

Nang magkagayo'y si Rabsaces ay tumayo at sumigaw ng malakas sa wikang Judio, at nagsalita, na sinasabi, Dinggin ninyo ang salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria.

Exodo 5:10

At ang mga tagapagpaatag sa bayan, ay nagsilabas, at kanilang sinalita sa bayan, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Faraon, Hindi ko kayo bibigyan ng dayami.

1 Samuel 11:7

At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at kaniyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo, na sinasabi, Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka. At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan, at sila'y lumabas na parang iisang tao.

2 Samuel 18:19

Nang magkagayo'y sinabi ni Ahimaas na anak ni Sadoc, Patakbuhin mo ako ngayon, at magdala ng balita sa hari, kung paanong iginanti siya ng Panginoon sa kaniyang kaaway.

1 Mga Hari 21:12

Sila'y nangagtanyag ng isang ayuno, at inilagay si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan.

2 Mga Hari 10:20

At sinabi ni Jehu, Magdaos kayo ng isang dakilang kapulungan kay Baal. At kanilang itinanyag yaon.

2 Mga Hari 11:12

Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari.

2 Paralipomeno 30:6

Sa gayo'y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria.

Daniel 3:4

Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika,

Jonas 3:7

At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig;

Jonas 3:4

At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.

Jeremias 4:5

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan.

Jeremias 46:14

Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa Migdol, at inyong ihayag sa Memphis, at sa Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo.

Isaias 40:9

Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!

Isaias 48:20

Kayo'y magsilabas sa Babilonia, inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.

Isaias 52:7-8

Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay naghahari! Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion.

Nahum 1:15

Narito, nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita, na nangaghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Oh Juda, tuparin mo ang iyong mga panata; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo; siya'y lubos na nahiwalay.

Mga Gawa 4:2

Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

Mga Gawa 9:20

At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.

Mga Gawa 15:7

At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila, Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.

Mga Gawa 17:3

Na binubuksan at pinatunayan na kinakailangang si Cristo ay maghirap, at muling mabuhay sa mga patay; at itong si Jesus, aniya, na aking ipinangangaral sa inyo, ay siyang Cristo.

2 Corinto 1:19

Sapagka't ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si Silvano at si Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo.

Mga Taga-Galacia 2:2

At ako'y umahon dahil sa pahayag; at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.

Marcos 1:2

Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan;

Lucas 7:27

Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.

Malakias 3:1

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Mateo 3:1-3

At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Lucas 1:17

At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.

Juan 1:15

Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.

Juan 3:28

Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo, kundi, na ako'y sinugo sa unahan niya.

Lucas 2:10

At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:

Mga Hukom 6:12

At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

Mateo 1:20-21

Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.

Mateo 28:5-6

At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.

Marcos 16:5-6

At pagkapasok sa libingan, ay kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla. At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!

Lucas 24:4-6

At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit: At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa,

Lucas 1:13

Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.

Lucas 2:13-14

At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi: Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

Mateo 24:32-33

Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Marcos 13:28-29

Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Lucas 21:29-31

At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy: Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw. Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.

Marcos 1:38

At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito.

Marcos 1:14-15

Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

Lucas 4:18-19

Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.

Isaias 61:1-2

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo; Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;

Never miss a post

n/a