Mga Taga-Galacia 3:9

Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.

Mga Taga-Roma 4:16

Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, na ama nating lahat.

Mga Taga-Roma 4:11

At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;

Mga Taga-Roma 4:24

Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,

Mga Taga-Galacia 3:7-8

Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.

Mga Taga-Galacia 3:14

Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu.

Mga Taga-Galacia 3:29

At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.

Mga Taga-Galacia 4:28

At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak sa pangako.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag