1 At nangyari sa buwan ng Nisan, sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari, nang ang alak ay nasa harap niya, na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan.

1 And it came about in the month Nisan, in the twentieth year of King Artaxerxes, that wine was before him, and I took up the wine and gave it to the king. Now I had not been sad in his presence.

2 At sinabi ng hari sa akin, Bakit ang iyong mukha ay malungkot, dangang wala kang sakit? ito'y dili iba kundi kalungkutan ng puso. Nang magkagayo'y natakot akong mainam.

2 So the king said to me, “Why is your face sad though you are not sick? This is nothing but sadness of heart.” Then I was very much afraid.

3 At sinabi ko sa hari, Mabuhay ang hari magpakailan man: bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy?

3 I said to the king, “Let the king live forever. Why should my face not be sad when the city, the place of my fathers’ tombs, lies desolate and its gates have been consumed by fire?”

4 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayo'y dumalangin ako sa Dios ng langit.

4 Then the king said to me, “What would you request?” So I prayed to the God of heaven.

5 At nagsabi ako sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng libingan sa aking mga magulang, upang aking maitayo.

5 I said to the king, “If it please the king, and if your servant has found favor before you, send me to Judah, to the city of my fathers’ tombs, that I may rebuild it.”

6 At ang hari ay nagsabi sa akin, (ang reina ay nakaupo naman sa siping niya,) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay? at kailan ka babalik? Sa gayo'y nalugod ang hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kaniya ng panahon.

6 Then the king said to me, the queen sitting beside him, “How long will your journey be, and when will you return?” So it pleased the king to send me, and I gave him a definite time.

7 Bukod dito'y sinabi ko sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, bigyan ako ng mga sulat sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, upang ako'y kanilang paraanin hanggang sa ako'y dumating sa Juda;

7 And I said to the king, “If it please the king, let letters be given me for the governors of the provinces beyond the River, that they may allow me to pass through until I come to Judah,

8 At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng kastillo na nauukol sa bahay, at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan. At pinagkalooban ako ng hari ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin.

8 and a letter to Asaph the keeper of the king’s forest, that he may give me timber to make beams for the gates of the fortress which is by the temple, for the wall of the city and for the house to which I will go.” And the king granted them to me because the good hand of my God was on me.

9 Nang magkagayo'y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo.

9 Then I came to the governors of the provinces beyond the River and gave them the king’s letters. Now the king had sent with me officers of the army and horsemen.

10 At nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, ay namanlaw na mainam, sapagka't may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel.

10 When Sanballat the Horonite and Tobiah the Ammonite official heard about it, it was very displeasing to them that someone had come to seek the welfare of the sons of Israel.

11 Sa gayo'y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw.

11 So I came to Jerusalem and was there three days.

12 At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.

12 And I arose in the night, I and a few men with me. I did not tell anyone what my God was putting into my mind to do for Jerusalem and there was no animal with me except the animal on which I was riding.

13 At ako'y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.

13 So I went out at night by the Valley Gate in the direction of the Dragon’s Well and on to the Refuse Gate, inspecting the walls of Jerusalem which were broken down and its gates which were consumed by fire.

14 Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.

14 Then I passed on to the Fountain Gate and the King’s Pool, but there was no place for my mount to pass.

15 Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako.

15 So I went up at night by the ravine and inspected the wall. Then I entered the Valley Gate again and returned.

16 At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.

16 The officials did not know where I had gone or what I had done; nor had I as yet told the Jews, the priests, the nobles, the officials or the rest who did the work.

17 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayo'y parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayo'y huwag nang maging kadustaan.

17 Then I said to them, “You see the bad situation we are in, that Jerusalem is desolate and its gates burned by fire. Come, let us rebuild the wall of Jerusalem so that we will no longer be a reproach.”

18 At isinaysay ko sa kanila ang kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin, at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin. At kanilang sinabi, Magbangon tayo at magtayo. Sa gayo'y kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa.

18 I told them how the hand of my God had been favorable to me and also about the king’s words which he had spoken to me. Then they said, “Let us arise and build.” So they put their hands to the good work.

19 Nguni't nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? manghihimagsik ba kayo laban sa hari?

19 But when Sanballat the Horonite and Tobiah the Ammonite official, and Geshem the Arab heard it, they mocked us and despised us and said, “What is this thing you are doing? Are you rebelling against the king?”

20 Nang magkagayo'y sumagot ako sa kanila, at sinabi ko sa kanila, Ang Dios ng langit, siya ang magpapaginhawa sa amin: kaya't kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo: nguni't kayo'y walang bahagi, o matuwid man, o alaala man, sa Jerusalem.

20 So I answered them and said to them, “The God of heaven will give us success; therefore we His servants will arise and build, but you have no portion, right or memorial in Jerusalem.”

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org