Most Popular Bible Verses in 1 Mga Hari 16

1 Mga Hari Rank:

51
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Sinasalakay ang Kapwa Nila

At si Omri ay umahon mula sa Gibbethon, at ang buong Israel ay kasama niya, at kanilang kinubkob ang Thirsa.

89
Mga Konsepto ng TaludtodKutaPagasa, Bunga ng KawalangPalasyo, MgaPagpapakamatayPagsunog sa mga Tao

At nangyari, nang makita ni Zimri na ang bayan ay nasakop, na siya'y naparoon sa castilyo ng bahay ng hari, at sinunog ng apoy ang bahay na kinaroroonan ng hari at siya'y namatay.

181
Mga Konsepto ng TaludtodPiraso, KalahatingDalawang PangkatGinawang mga HariKalahati ng mga GrupoTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang magkagayo'y ang bayan ng Israel ay nahati sa dalawa: ang kalahati ng bayan ay sumunod kay Thibni na anak ni Gineth, upang gawin siyang hari; at ang kalahati ay sumunod kay Omri.

201
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonPanganayAma, Pagkakasala ng mgaTarangkahanPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanAlay sa Lumang TipanKamatayan ng mga PanganayAng Pinakabatang AnakPundasyon ng mga BansaLungsod, Tarangkahan ngMuling Pagtatatag ng mga Kilalang LungsodSalita na Natupad sa mga Tao, Mga

Sa kaniyang mga kaarawan itinayo ni Hiel na taga Beth-el ang Jerico: siya'y naglagay ng talagang-baon sa pagkamatay ni Abiram na kaniyang panganay, at itinayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa pagkamatay ng kaniyang bunsong anak na si Segub; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Josue na anak ni Nun.

208
Mga Konsepto ng TaludtodTinutularan ang mga Masasamang Hari

Dahil sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang ipinagkasala sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon sa paglakad sa lakad ni Jeroboam, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ginawa, upang papagkasalahin ang Israel.

214

Nguni't ang bayan na sumunod kay Omri ay nanaig laban sa bayan na sumunod kay Thibni na anak ni Gineth: sa gayo'y namatay si Thibni at naghari si Omri.

224
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na TaonSampu hanggang Labing Apat na Taon

Nang ikatatlong pu't isang taon ni Asa na hari sa Juda ay nagpasimula si Omri na maghari sa Israel, at naghari na labing dalawang taon: anim na taon na naghari siya sa Thirsa.

228
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa, Mga Pagbabawal tungkolPoligamyaLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingTinutularan ang mga Masasamang HariHindi Mahahalagang BagayJesebel

At nangyari, na wari isang magaang bagay sa kaniya na lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na siya'y nagasawa kay Jezabel, na anak ni Ethbaal na hari ng mga Sidonio, at yumaon at naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya.

232
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya at Inspirasyon sa Lumang TipanPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At ang salita ng Panginoon ay, dumating kay Jehu na anak ni Hanani, laban kay Baasa, na sinasabi,

250
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagPagawan ng Sinsilyo

At binili niya ang burol ng Samaria kay Semer sa halagang dalawang talentong pilak; at siya'y nagtayo sa burol, at tinawag ang pangalan ng bayan na kaniyang itinayo, ayon sa pangalan ni Semer, na may-ari ng burol, na Samaria.

308
Mga Konsepto ng TaludtodUgaliJesebel

At si Achab na anak ni Omri ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya.

323
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Zimri, at ang kaniyang panghihimagsik na kaniyang ginawa, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

343
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanNaglilingkod kay AserahJesebel

At gumawa si Achab ng Asera; at gumawa pa ng higit si Achab upang mungkahiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa galit kay sa lahat ng mga hari sa Israel na nauna sa kaniya.

344
Mga Konsepto ng TaludtodOrganisasyon

At gumawa si Omri ng masama sa paningin ng Panginoon, at gumawa ng masama na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya.

422
Mga Konsepto ng TaludtodTemplo, Mga PaganongAltar, PaganongPagtatatag ng AltarJesebel

At kaniyang ipinagtayo ng dambana si Baal sa bahay ni Baal na kaniyang itinayo sa Samaria.

469
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taon

At nang ikatatlong pu't walong taon ni Asa na hari sa Juda, ay nagpasimula si Achab na anak ni Omri na maghari sa Israel: at si Achab na anak ni Omri ay naghari sa Israel sa Samaria na dalawang pu't dalawang taon.

549
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaGinawang mga HariTalaan ng mga Hari ng Israel

At narinig ng bayan na nasa hantungan na sinabing nagbanta si Zimri, at sinaktan ang hari: kaya't ginawang hari sa Israel ng buong Israel si Omri na punong kawal ng hukbo nang araw na yaon sa kampamento.

558
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang TaonTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikadalawang pu't anim na taon ni Asa na hari sa Juda ay nagpasimula si Ela na anak ni Baasa na maghari sa Israel sa Thirsa, at nagharing dalawang taon.

559
Mga Konsepto ng TaludtodHari ng Hilagang Kaharian, Mga

Sa gayo'y natulog si Omri na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Samaria; at si Achab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

565
Mga Konsepto ng TaludtodTinutularan ang mga Masasamang HariDiyos na Nagtataas sa mga Tao

Yamang itinaas kita mula sa alabok, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel; at ikaw ay lumakad ng lakad ni Jeroboam, at iyong pinapagkasala ang aking bayang Israel, upang mungkahiin mo ako sa galit sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan;

567
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga HariTalaan ng mga Hari ng Israel

At pumasok si Zimri, at sinaktan siya, at pinatay siya, nang ikadalawang pu't pitong taon ni Asa na hari sa Juda, at naghari na kahalili niya.

578
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Baasa, at ang kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

582
Mga Konsepto ng TaludtodPitong ArawTalaan ng mga Hari ng IsraelAng mga Bansa na Sinalakay

Nang ikadalawang pu't pitong taon ni Asa na hari sa Juda, ay naghari si Zimri na pitong araw sa Thirsa. Ang bayan nga ay humantong laban sa Gibbethon na nauukol sa mga Filisteo.

596
Mga Konsepto ng TaludtodPangingilin mula sa PaginomSabwatan, MgaKalahati ng mga GrupoMga LasingSabwatan

At ang kaniyang lingkod na si Zimri, na punong kawal sa kalahati ng kaniyang mga karo, ay nagbanta laban sa kaniya. Siya'y nasa Thirsa nga, na nagiinom at lasing sa bahay ni Arsa, na siyang katiwala sa sangbahayan sa Thirsa:

604
Mga Konsepto ng TaludtodSugoPropeta, Gampanin ng mgaTinutularan ang mga Masasamang HariPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At bukod dito'y, sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani, ay dumating ang salita ng Panginoon laban kay Baasa, at laban sa kaniyang sangbahayan, dahil sa lahat na kasamaan na kaniyang ginawa sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit sa pamamagitan ng gawa ng kaniyang mga kamay, sa pagkagaya sa sangbahayan ni Jeroboam, at sapagka't sinaktan din niya siya.

638
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at KamatayanHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At natulog si Baasa na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Thirsa; at si Ela na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

640
Mga Konsepto ng TaludtodTinutularan ang mga Masasamang HariDiyos na Laban sa Idolatriya

Sapagka't siya'y lumakad sa buong lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, at sa kaniyang mga kasalanan na ipinapagkasala niya sa Israel, upang mungkahiin sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan.

653
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Omri na kaniyang ginawa, at ang kapangyarihan niya na kaniyang ipinamalas, di ba nasusulat sa mga aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

673
Mga Konsepto ng TaludtodTronoPagihiKamataya ng lahat ng LalakePagpatay sa Buong PamilyaPamilya at mga Kaibigan

At nangyari, nang siya'y magpasimulang maghari, pagupo niya sa kaniyang luklukan, ay kaniyang sinaktan ang buong sangbahayan ni Baasa: hindi siya nagiwan ng isa man lamang lalaking bata, kahit kamaganak niya, kahit mga kaibigan niya.

689

Narito, aking lubos na papalisin si Baasa at ang kaniyang sangbahayan; at aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat.

713
Mga Konsepto ng TaludtodYamutin ang DiyosKawalang KabuluhanDiyos na Laban sa Idolatriya

Dahil sa lahat ng mga kasalanan ni Baasa, at mga kasalanan ni Ela na kaniyang anak, na kanilang ipinagkasala, at kanilang ipinapagkasala sa Israel, upang mungkahiin sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan.

715
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaIbon, Uri ng mgaHayop, Kumakain ng Tao ng mgaKinakain ang mga BangkayIbon, Mga Kumakaing

Ang mamatay kay Baasa sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa kaniya sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid,

744
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng DiyosPagpatay sa Buong PamilyaPinangalanang mga Propeta ng PanginoonSalita na Natupad sa mga Tao, Mga

Ganito nilipol ni Zimri ang buong sangbahayan ni Baasa, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita laban kay Baasa, sa pamamagitan ni Jehu na propeta,

757
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Ela, at ang lahat na kaniyang ginawa, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?