Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Mga Hari 17

1 Mga Hari Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Halimbawa ngPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngElias, Propesiya niElias, Buhay niTagtuyot, Pisikal naHamogLupain bilang Pananagutan ng DiyosMapanalanginin, PagigingUlanLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosHimala ni Elias, MgaUwakDayuhan, Mga

At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita.

12
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoDiyos na Nakakaalala ng KasalananAno ba ang ating Pagkakatulad?Tinatangkang Patayin ang Ganitong mga TaoTao ng DiyosPaggunita

At sinabi niya kay Elias, Ano ang ipakikialam ko sa iyo, Oh ikaw na lalake ng Dios? ikaw ay naparito sa akin upang ipaalala mo ang aking kasalanan, at upang patayin ang aking anak!

35
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaHagdananLihim na PananalanginDala-dalang mga Patay na KatawanTaas na Silid

At sinabi niya sa kaniya, Ibigay mo sa akin ang iyong anak. At kinuha niya sa kaniyang kandungan, at dinala sa silid na kaniyang tinatahanan, at inihiga sa kaniyang sariling higaan.

70
Mga Konsepto ng TaludtodUmiiyak sa DiyosLihim na PananalanginDiyos na PumapatayDiyos na Pumapatay sa isang TaoTrahedya

At siya'y dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan, sa pagpatay sa kaniyang anak?

71
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatanHimala, Tugon sa mgaBibig, MgaKasulatan, Layunin ngTalumpati ng DiyosSalita ng DiyosPagkakaalam sa TotooTao ng DiyosSalita ng Diyos ay Totoo

At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo'y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan.

121
Mga Konsepto ng TaludtodSinagot na PanalanginPersonal na KakilalaPagbangon

At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya, at siya'y muling nabuhay.

133
Mga Konsepto ng TaludtodPersonal na KakilalaPagyakapGumagawa ng Tatlong UlitPinangalanang mga Tao na NanalanginTrahedya

At siya'y umunat sa bata na makaitlo, at dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, idinadalangin ko sa iyo na iyong pabalikin sa kaniya ang kaluluwa ng batang ito.

263
Mga Konsepto ng TaludtodNamumuhay ng Patuloy

At kinuha ni Elias ang bata, at ibinaba sa loob ng bahay na mula sa silid, at ibinigay siya sa kaniyang ina: at sinabi ni Elias, Tingnan mo, ang iyong anak ay buhay.

461

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na sinasabi,

468
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya at Inspirasyon sa Lumang Tipan

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,

473
Mga Konsepto ng TaludtodHiningan ng BuhayWalang HiningaMaysakit na isang TaoKerida

At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang anak na lalake ng babae, na may-ari ng bahay ay nagkasakit; at ang kaniyang sakit ay malubha, na walang hiningang naiwan sa kaniya.

513
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na PangungunaPagtatago mula sa mga TaoLampas sa JordanBatis

Umalis ka rito, at lumiko ka sa dakong silanganan, at magkubli ka sa tabi ng batis Cherith na nasa tapat ng Jordan.

528
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanTagtuyot, Pisikal naIlog at Sapa, MgaTubig, NatutuyongBatis

At nangyari, pagkaraan ng sanggayon, na ang batis ay natuyo, sapagka't walang ulan sa lupain.

537
Mga Konsepto ng TaludtodUwak, MgaIbon, Uri ng mgaBanal na PangungunaUmiinom ng TubigBatis

At mangyayari, na ikaw ay iinom sa batis; at aking iniutos sa mga uwak na pakanin ka roon.

545
Mga Konsepto ng TaludtodTubigUmiinom ng TubigPanggatongPagtitipon

Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Sarepta; at nang siya'y dumating sa pintuan ng bayan, narito, isang baong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat: at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na dalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman, upang aking mainom.

551
Mga Konsepto ng TaludtodTagtuyot, Pisikal naMisyon ng IsraelTrabaho ng Diyos at ng TaoBanal na PangungunaBalo, Mga

Ikaw ay bumangon, paroon ka sa Sarepta, na nauukol sa Sidon, at tumahan ka roon: narito, aking inutusan ang isang baong babae roon na pakanin ka.

556
Mga Konsepto ng TaludtodHarinaPagiisaOlibo, Langis ngMaliit na mga Bagay na Ginamit ng DiyosBarilesIbinigay ang Sarili sa KamatayanPanggatongPagkamatayPagluluto

At kaniyang sinabi, Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako'y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako'y namumulot ng dalawang patpat, upang ako'y pumasok, at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay.

557
Mga Konsepto ng TaludtodPagluluto, Uri ng mga PagkainDiyos na TagapagkaloobUwakPagtitipidBanal na PagtustosUmiinom ng TubigUwak, MgaSa Umaga at GabiBatis

At dinadalhan siya ng tinapay at laman ng mga uwak sa umaga, at tinapay at laman sa hapon, at siya'y umiinom sa batis.

612
Mga Konsepto ng TaludtodHarinaBanal na PagtustosBarilesMasagana para sa mga MahihirapPaglulutoPalayok

Ang gusi ng harina ay hindi nakulangan, o ang banga ng langis man ay nabawasan, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Elias.

636
Mga Konsepto ng TaludtodHimala, Tugon sa mgaPagtitipidLampas sa JordanBatis

Sa gayo'y naparoon siya at ginawa ang ayon sa salita ng Panginoon: sapagka't siya'y pumaroon at tumahan sa tabi ng batis Cherith, na nasa tapat ng Jordan.

641
Mga Konsepto ng TaludtodElias, Propesiya niPagiging MatulunginPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanBarilesMasagana para sa mga MahihirapDamoPalayok

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ang gusi ng harina ay hindi makukulangan, o ang banga ng langis man ay mababawasan hanggang sa araw na magpaulan ang Panginoon sa ibabaw ng lupa.

693
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MaliitAlay, Pagbibigay ngTinapayPagluluto

At sinabi ni Elias sa kaniya, Huwag kang matakot; yumaon ka, at gawin mo ang iyong sinabi, nguni't igawa mo muna ako ng munting tinapay, at ilabas mo sa akin, at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at para sa iyong anak.

694
Mga Konsepto ng TaludtodAlay, Pagbibigay ngGumagawa ng Mahabang Panahon

At siya'y yumaon, at ginawa ang ayon sa sabi ni Elias: at kumain ang babae, at siya, at ang kaniyang sangbahayan na maraming araw.

731
Mga Konsepto ng TaludtodHumihingi ng Pagkain

At nang siya'y yumayaon upang kumuha, tinawag niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo, ng isang subong tinapay sa iyong kamay.