Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 12

1 Samuel Rango:

35

Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari na inyong pinili, at siya ninyong hiningi: at, narito, nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo.

56
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosPagpipitagan sa DiyosPagsunod sa DiyosMatakot sa Diyos!Sumusunod sa Diyos

Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, at maglilingkod sa kaniya, at makikinig sa kaniyang tinig, at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios, ay mabuti:

79
Mga Konsepto ng TaludtodPananakot, MgaPagsuway sa DiyosDiyos na Laban

Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon, kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya sa inyong mga magulang.

98
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

Ngayon nga'y tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata.

102
Mga Konsepto ng TaludtodPag-AaniPagkakasala ng Bayan ng Diyos

Hindi ba pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.

138
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosHalimbawa ng PagpapahayagPaghingiHindi NamamatayPagdaragdag ng KasamaanKamatayang NaiwasanIpanalangin ninyo Kami

At sinabi ng buong bayan kay Samuel, Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.

143
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosTakot sa Diyos, Halimbawa ngTauhang may Takot sa Diyos, MgaTakot sa Isang Tao

Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.

161
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayBulaang RelihiyonWalang Kabuluhang mga BagayPagsagipDiyus-diyusan ay hindi UmiiralKatataganWalang Kwentang mga KasalananWalang Kabuluhang mga Diyus-diyusan

At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.

172
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngDiyos na PanginoonDiyos na Hindi Nagpapabaya

Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang dakilang pangalan, sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya.

184
Mga Konsepto ng TaludtodPuso at Espiritu SantoBuong PusoNaglilingkodNaglilingkod sa DiyosPagtitiyak

At sinabi ni Samuel sa bayan, Huwag kayong matakot: tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon.

215
Mga Konsepto ng TaludtodGinawang mga Hari

At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, at naghalal ako ng isang hari sa inyo.

223
Mga Konsepto ng TaludtodNananakotPagkawasak ng mga BansaPursigido

Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari.

255
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanHalimbawa ng Pagtalikod sa DiyosPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngNaglilingkod kay AserahKami ay Nagkasala

At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo.

278
Mga Konsepto ng TaludtodGobyernoHari, MgaKaharian ng Diyios, Pagdating ngPagkahari, Banal naPagkahari, PantaongTheokrasiya

At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.

281
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabulag, Sagisag ngNakatayoNagmamay-ari ng mga HayopIwasan ang SuholPambubulagPagkawala ng AsnoIba, Pagkabulag ng

Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.

284
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaKaaway ng mga MananampalatayaDiyos na Nagliligtas mula sa mga Kaaway

At sinugo ng Panginoon si Jerobaal, at si Bedan, at si Jephte, at si Samuel, at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako, at kayo'y tumahang tiwasay.

292
Mga Konsepto ng TaludtodKulay AboTrabaho mula sa Kabataan

At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at ako'y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito.

328
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapDiyos, Katuwiran ngKatahimikanDiyos na Gumagawa ng TamaPagsasagawa ng Tama

Ngayon nga'y tumayo kayo, upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang.

329
Mga Konsepto ng TaludtodPandaraya

At kanilang sinabi, Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman.

330
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutan

Nguni't nilimot nila ang Panginoon nilang Dios; at ipinagbili niya sila sa kamay ng Sisara, na kapitan ng hukbo ni Azor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.

346
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdoteNakaraan, AngPagtatakda ng Diyos sa IbaDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At sinabi ni Samuel sa bayan, Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron, at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto.

353
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin, Sagot saPanalangin bilang Paghingi sa DiyosDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto, at ang inyong mga magulang ay dumaing sa Panginoon, sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron, na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto, at pinatira sila sa dakong ito.

354
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamo sa DiyosAng Patotoo ng Diyos

At sinabi niya sa kanila, Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay. At kanilang sinabi, Siya'y saksi.