Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 11

1 Samuel Rango:

36
Mga Konsepto ng TaludtodPagpayag na PatayinSaulo

At sinabi ng bayan kay Samuel, Sino yaong nagsasabi, Maghahari ba si Saul sa amin? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila.

65
Mga Konsepto ng TaludtodHabag, Halimbawa ngPagsagipAmnestiya

At sinabi ni Saul, Walang taong papatayin sa araw na ito; sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.

92
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan, Handog naNagagalakPagkatuwaPagpuputong ng KoronaGinawang mga Hari

At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal; at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harap ng Panginoon; at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon.

120
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanibago

Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan, Halikayo at tayo'y paroon sa Gilgal, at ating baguhin ang kaharian doon.

178
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Relasyon saPagkakampoPagkubkob, MgaBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

Nang magkagayo'y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.

258
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabulag, Sanhi ngKapansananPag-uusapWalang KabaitanMata, Nasaktang mgaPambubulagIba, Pagkabulag ngIba pang Tamang BahagiPagsukoPagiging Totoo

At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila, Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo, na ang lahat ninyong kanang mata ay dukitin; at aking ilalagay na pinakapintas sa buong Israel.

270
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan ng TaoGalit ng Taong MatuwidGalit ng Tao, SanhiMagaliting mga TaoSaulo

At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam.

316
Mga Konsepto ng TaludtodAmmonitaPagkataloMainitTanghaliNangakalat na mga TaoTatlong PangkatNakaligtas, Pananakot sa mgaDalawang Tao

At naging gayon sa kinabukasan, na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw: at nangyari, na ang mga nalabi ay nangalat, na anopa't walang naiwang dalawang magkasama.

331
Mga Konsepto ng TaludtodLinggo, MgaPitong ArawIwan nyo KamiPagsuko

At sinabi ng mga matanda sa Jabes sa kaniya, Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpasugo ng mga sugo sa lahat ng mga hangganan ng Israel; at kung wala ngang magliligtas sa amin, lalabasin ka namin.

335
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawTagapagpahayagKutsilyo, MgaHayop, PinagpirapirasongNagkakaisang mga taoKatatakutan sa Diyos

At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at kaniyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo, na sinasabi, Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka. At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan, at sila'y lumabas na parang iisang tao.

338
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Tumatangis sa Pagkawasak

Nang magkagayo'y pumaroon ang mga sugo sa Gabaa kay Saul at sinalita ang mga salitang ito sa mga pakinig ng bayan: at ang buong bayan ay naglakas ng tinig at umiyak.

341
Mga Konsepto ng TaludtodKawan, Mga

At, narito, sinusundan ni Saul ang mga baka sa bukid; at sinabi ni Saul, Anong mayroon ang bayan na sila'y umiiyak? At kanilang isinaysay ang mga salita ng mga lalake sa Jabes.

348
Mga Konsepto ng TaludtodTribo ng IsraelSensoTatlumpung Libo at Higit PaTatlo hanggang Siyamraang LiboBayan ng Juda

At binilang niya sila sa Bezec; at ang mga anak ni Israel, ay tatlong daang libo, at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo.

349
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kanyang Kilos sa Kinabukasan

Kaya't sinabi ng mga lalake sa Jabes, Bukas ay lalabasin namin kayo at inyong gagawin sa amin ang lahat na inyong inaakalang mabuti sa inyo.

361
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawGagawin ng Diyos sa KinabukasanMainit na PanahonTauhang Nagliligtas ng Iba, MgaPagliligtas

At sinabi nila sa mga sugo na naparoon, Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalake sa Jabes-galaad, Bukas sa kainitan ng araw, ay magtataglay kayo ng kaligtasan. At naparoon ang mga sugo at isinaysay sa mga lalake sa Jabes; at sila'y natuwa.