Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 23

1 Samuel Rango:

51
Mga Konsepto ng TaludtodDisyerto, Espisipikong

At sila'y tumindig at naparoon sa Ziph na nagpauna kay Saul: nguni't si David at ang kaniyang mga tao ay nasa ilang ng Maon sa Araba sa timugan ng ilang.

110
Mga Konsepto ng TaludtodBatuhanHinahanapBato bilang ProteksyonNagsasabi tungkol sa Kilos

At si Saul at ang kaniyang mga tao ay naparoon upang pag-usigin siya. At kanilang sinaysay kay David: kaya't siya'y lumusong sa burol na bato at tumahan sa ilang ng Maon. At nang mabalitaan ni Saul, kaniyang hinabol si David sa ilang ng Maon.

343
Mga Konsepto ng TaludtodMagkaibang PanigNagmamadaling Hakbang

At naparoon si Saul sa dakong ito ng bundok, at si David at ang kaniyang mga tao ay sa dakong yaon ng bundok: at si David ay nagmadaling umalis dahil sa takot kay Saul; sapagka't kinukubkob ni Saul at ng kaniyang mga tao si David at ang kaniyang mga tao upang sila'y hulihin.

377
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakasPagtakas mula sa Taung-Bayan

Sa gayo'y bumalik si Saul na mula sa paghabol kay David, at naparoon laban sa mga Filisteo: kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Sela-hammahlecoth.

379
Mga Konsepto ng TaludtodSugoPinagmamadali ang Iba

Nguni't dumating ang isang sugo kay Saul, na nagsasabi, Magmadali ka at parito ka; sapagka't ang mga Filisteo ay sumalakay sa lupain.

391
Mga Konsepto ng TaludtodGiikanGawing mga Pag-aari

At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, Narito, ang mga Filisteo ay nakikipaglaban sa Keila, at kanilang ninanakaw ang mga giikan.

392
Mga Konsepto ng TaludtodKuta

At si David ay umahon mula roon, at tumahan sa mga katibayan ng En-gaddi.

449
Mga Konsepto ng TaludtodPagsangguni sa DiyosAng mga Bansa na Sinalakay

Kaya't sumangguni si David sa Panginoon, na nagsasabi, Yayaon ba ako at aking sasaktan ang mga Filisteong ito? At sinabi ng Panginoon kay David, Yumaon ka at iyong saktan ang mga Filisteo, at iligtas mo ang Keila.

456
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Tagumpay niPagpapatibayMuogKaburulanSarili, Pagtatanggol saWalang HumpayLaging MasigasigHindi Ibinigay ang Kamay ng IbaYaong Naghahanap sa mga Tao

At si David ay tumahan sa ilang sa mga katibayan, at nanira sa lupaing maburol sa ilang ng Ziph. At pinag-uusig siya ni Saul araw-araw, nguni't hindi siya ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay.

482
Mga Konsepto ng TaludtodTimogNagsasabi tungkol sa Kilos

Nang magkagayo'y inahon ng mga Zipheo si Saul, sa Gabaa, na sinasabi, Hindi ba nagkukubli sa amin si David sa mga katibayan sa gubat, sa burol ng Hachila, na nasa timugan ng ilang?

491
Mga Konsepto ng TaludtodEfodKalokohanAng Urim at Tumim

At naalaman ni David na nagiisip si Saul ng masama laban sa kaniya; at kaniyang sinabi kay Abiathar na saserdote, Dalhin mo rito ang epod.

535
Mga Konsepto ng TaludtodTinatangkang Patayin ang Ganitong mga Tao

At nakita ni David na lumalabas si Saul upang usigin ang kaniyang buhay: at si David ay nasa ilang ng Ziph sa gubat.

538

At nangyari nang makatakas si Abiathar na anak ni Ahimelech kay David sa Keila, na siya'y lumusong na may isang epod sa kaniyang kamay.

550
Mga Konsepto ng TaludtodKasunduan

At silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon: at si David ay tumahan sa gubat, at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay.

552
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

Nang magkagayo'y sumangguni uli si David sa Panginoon. At sumagot ang Panginoon sa kaniya at sinabi, Bumangon ka at lumusong ka sa Keila; sapagka't aking ibibigay ang mga Filisteo, sa iyong kamay.

570
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas sa mga Pisikal na BagayHalimbawa ng PagtakasAnim hanggang Pitong DaanPagtakas mula sa Taung-BayanAnimnaraan at Higit PaNagsasabi tungkol sa Kilos

Nang magkagayo'y si David at ang kaniyang mga tao na anim na raan, ay tumindig at umalis sa Keila, at naparoon kung saan sila makakaparoon. At nasaysay kay Saul na si David ay tumanan sa Keila, at siya'y tumigil ng paglabas.

587
Mga Konsepto ng TaludtodPlano, Mga

Nang magkagayo'y sinabi ni David, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tunay na nabalitaan ng iyong lingkod na pinagsisikapan ni Saul na pumaroon sa Keila, upang ipahamak ang bayan dahil sa akin.

599
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Sinasalakay ang Kapwa Nila

At tinawag ni Saul ang buong bayan sa pakikidigma, upang lumusong sa Keila na kubkubin si David at ang kaniyang mga tao.

621

Ibibigay ba ako ng mga tao sa Keila sa kaniyang kamay? lulusong ba si Saul ayon sa nabalitaan ng iyong lingkod? Oh Panginoon, na Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo, na saysayin mo sa iyong lingkod. At sinabi ng Panginoon, Siya'y lulusong.

624

Ngayon nga, Oh hari, lumusong ka, ayon sa buong adhika ng iyong kalooban na lumusong; at ang aming bahagi ay ibibigay sa kamay ng hari.

639
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong may Pangkalahatang KaalamanHuwag Matakot sa TaoSaulo at DavidPagtitiyak

At sinabi niya sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na aking ama; at ikaw ay magiging hari sa Israel, at ako'y magiging pangalawa mo; at nalalamang gayon ni Saul na aking ama.

654
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanBayanIpinipinid ang TarangkahanIbinigay sa KamayNagsasabi tungkol sa Kilos

At nasaysay kay Saul na si David ay naparoon sa Keila. At sinabi ni Saul, Ibinigay ng Dios siya sa aking kamay; sapagka't siya'y nasarhan sa kaniyang pagpasok sa isang bayan na mayroong mga pintuang-bayan at mga halang.

657

At sinabi ng mga lalake ni David sa kaniya, Narito, tayo'y natatakot dito sa Juda: gaano pa nga kaya kung tayo ay pumaroon sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo?

666
Mga Konsepto ng TaludtodKalugihanTauhang Nagliligtas ng Iba, Mga

At si David at ang kaniyang mga lalake ay naparoon sa Keila, at bumaka sa mga Filisteo, at dinala ang kanilang kawan, at pinatay nila sila ng malaking pagpatay. Gayon iniligtas ni David ang mga tumatahan sa Keila.

668
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoPagtatago mula sa mga Tao

Inyo ngang tingnan, at alamin ang mga kublihang dako na kaniyang pinagtataguan, at bumalik kayo sa akin na may katunayan, at ako'y paroroong kasama ninyo: at mangyayari, kung siya'y nasa lupain, ay aking sisiyasatin siya sa gitna ng lahat ng mga libolibo sa Juda.

691

Nang magkagayo'y sinabi ni David, Ibibigay ba ng mga tao sa Keila ako at ang aking mga tao sa kamay ni Saul? At sinabi ng Panginoon, Ibibigay ka nila.

710
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagpapakita ng HabagNawa'y Pagpapalain ng DiyosEmpatya

At sinabi ni Saul, Pagpalain nawa kayo ng Panginoon; sapagka't kayo'y nahabag sa akin.

729
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Naghahanap sa mga Tao

Kayo'y yumaon, isinasamo ko sa inyo, inyong turuling maigi, at alamin at tingnan ang kaniyang kinaroroonan, at kung sino ang nakakita sa kaniya roon: sapagka't nasaysay sa akin na siya'y nagpapakatalino.