Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 24

1 Samuel Rango:

374
Mga Konsepto ng TaludtodDisyerto, EspisipikongNagsasabi tungkol sa KilosSaulo

At nangyari, nang si Saul ay bumalik na mula sa paghabol sa mga Filisteo, na nasaysay sa kaniya, na sinasabi, Narito, si David ay nasa ilang ng En-gaddi.

410
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Libo at Higit PaMaiilap na mga Kambing

Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalake sa buong Israel, at yumaong inusig si David at ang kaniyang mga lalake sa mga bundok ng maiilap na kambing.

445
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaInsektoPag-uusig, Katangian ngPulgasAko ay Hindi MahalagaKulisapWalang Tigil

Sinong nilabas ng hari ng Israel? sinong hinahabol mo? isang patay na aso, isang kuto.

448
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pinahiran ng PanginoonIbinigay sa Kamay

Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: nguni't hindi kita inano; at aking sinabi, Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagka't siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

452
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaSiya nga ba?

At nangyari, nang makatapos si David ng pagsasalita ng mga salitang ito kay Saul, ay sinabi ni Saul, Ito ba ang iyong tinig, anak kong David? At inilakas ni Saul ang kaniyang tinig, at umiyak.

453
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong nasa KuwebaPagbabawas ng DumiTae

At siya'y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan, na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa. Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib.

457
Mga Konsepto ng TaludtodSinasalakay

Sa gayo'y pinigilan ni David ang kaniyang mga tao ng mga salitang ito, at hindi niya sila binayaang bumangon laban kay Saul. At tumindig si Saul sa yungib at nagpatuloy ng kaniyang lakad.

459
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, PanlipunangSibikong TungkulinPaggalang sa mga nasa PamahalaanPaglabanPinahiran, AngAng Pinahiran ng Panginoon

At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake, Huwag itulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng Panginoon, na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

474
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoTinatangkang Patayin ang Ganitong mga TaoPagsamo, Inosenteng

Bukod dito'y iyong tingnan, ama ko, oo, tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay: sapagka't sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay, talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin.

477
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa KamaySaulo

At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya, Narito, ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo, Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo. Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul.

479
Mga Konsepto ng TaludtodMasamaManggagawa ng KasamaanSinaunang Kasabihan

Gaya ng sabi ng kawikaan ng mga matanda: Sa masama magmumula ang kasamaan: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay.

480
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodPagpapatirapa

Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, Panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang.

486
Mga Konsepto ng TaludtodMaysala, BudhingBinagong Puso

At nangyari pagkatapos, na nagdamdam ang puso ni David, sapagka't kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.

490
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya sa Relasyon sa TaoIbinigay sa Kamay

At iyong ipinakilala sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti, sapagka't nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay, ay hindi mo ako pinatay.

499
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomDiyos, Katarungan ng

Maging hukom nga ang Panginoon, at hatulan tayo, at tingnan, at ipagsanggalang ang aking usap, at iligtas ako sa iyong kamay.

500
Mga Konsepto ng TaludtodPaninirang PuriMga Taong Maaring Gumagawa ng MasamaUsap-Usapan

At sinabi ni David kay Saul, Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao, na nagsasabi, Narito, pinagsisikapan kang saktan ni David?

507
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungat sa Kasalanan at Kasamaan

At kaniyang sinabi kay David, Ikaw ay lalong matuwid kay sa akin: sapagka't ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti, samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan.

513
Mga Konsepto ng TaludtodHukom, MgaPaghihiganti at GantiPaghihiganti

Hatulan tayo ng Panginoon, at ipanghiganti ako ng Panginoon sa iyo: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay.

515
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong may Pangkalahatang KaalamanSaulo at David

At ngayo'y narito, talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari, at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay.

519

At sumumpa si David kay Saul. At si Saul ay umuwi; nguni't si David at ang kaniyang mga lalake ay umakyat sa katibayan.

527
Mga Konsepto ng TaludtodPangalang BinuraMga Batang Naghihirap

Isumpa mo nga ngayon sa akin sa pangalan ng Panginoon, na hindi mo puputulin ang aking binhi pagkamatay ko, at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sangbahayan ng aking magulang.

528
Mga Konsepto ng TaludtodGantimpala para sa Gawa

Sapagka't kung masumpungan ng isang tao ang kaniyang kaaway, pababayaan ba niyang yumaong mabuti? kaya't gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito.