Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Samuel 8

1 Samuel Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodPaliwanag, MgaKatangian ng mga HariMakinig sa Taung-Bayan!

Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig: gayon ma'y tatanggi kang mainam sa kanila, at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila.

41

At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari.

60
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod ng mga taoPagkawala ng Asno

At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang inyong pinakamabuting bataan, at ang inyong mga asno, at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain.

62
Mga Konsepto ng TaludtodLikhang-Sining, Uri ngNag-aararoSandata, MgaTagapagararoTakdang Aralin

At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin; at ang iba ay upang umararo ng kaniyang lupa, at umani ng kaniyang aanihin, at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma, at sangkap sa kaniyang mga karo.

67
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKabayo, MgaKawalang Katarungan, Katangian at PinagmulanTumatakboMga Batang Naghihirap

At kaniyang sinabi, Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo: kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo, at upang maging mga mangangabayo niya; at sila'y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo;

78
Mga Konsepto ng TaludtodGawing mga Pag-aari

At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid, at ang inyong mga ubasan, at ang inyong mga olibohan, sa makatuwid baga'y ang pinakamabuti sa mga yaon, upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod.

83
Mga Konsepto ng TaludtodBabae, MgaPanaderoPagluluto sa HurnoLikhang-Sining, Uri ngPabangoPagluluto ng TinapayPagluluto

At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, at maging mga tagapagluto, at maging mga magtitinapay.

89
Mga Konsepto ng TaludtodPagiikapu para sa mga Tao

At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi, at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal, at sa kaniyang mga lingkod.

93

At nangyari, nang si Samuel ay matanda na, na kaniyang ginawang mga hukom sa Israel ang kaniyang mga anak.

108
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Hindi Sumasagot

At kayo'y dadaing sa araw na yaon, dahil sa inyong hari na inyong pipiliin; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon.

152
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Taung-Bayan!

At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari. At sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, Yumaon ang bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang bayan.

191
Mga Konsepto ng TaludtodGrupo ng mga AlipinPagiikapu para sa mga Tao

Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan: at kayo'y magiging kaniyang mga lingkod.

230
Mga Konsepto ng TaludtodUgali ng PagtanggiGobyernoPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngPagtanggi sa DiyosTheokrasiyaPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saMakinig sa Taung-Bayan!PagtanggiPakikinig sa Diyos

At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako, upang huwag akong maghari sa kanila.

234
Mga Konsepto ng TaludtodTheokrasiyaSariling Kalooban

Nguni't tinanggihang dinggin ng bayan ang tinig ni Samuel; at kanilang sinabi, Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin;

241
Mga Konsepto ng TaludtodGaya ng mga BansaPakikipaglaban sa mga Kaaway

Upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang hatulan kami ng aming hari, at lumabas sa unahan namin, at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka.

252
Mga Konsepto ng TaludtodPanganay na Anak na LalakeHumahatol sa Israel

Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia: sila'y mga hukom sa Beer-seba.

263
Mga Konsepto ng TaludtodPinuno, Mga Pulitikal naHindi Tinutularan ang MabutiGaya ng mga Bansa

At kanilang sinabi sa kaniya, Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.

296
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Kasama sa KahatulanHindi Nagbibigay Lugod sa mga TaoPinangalanang mga Tao na Nanalangin

Nguni't hindi minabuti ni Samuel, nang kanilang sabihin, Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin. At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.

314
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nakikinig

At narinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, at kaniyang mga isinaysay sa pakinig ng Panginoon.

334
Mga Konsepto ng TaludtodTalikuran ang DiyosPagtanggi sa DiyosIba't ibang mga Diyus-diyusanDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Egipto hanggang sa araw na ito, sa kanilang pagiiwan sa akin, at paglilingkod sa ibang mga dios ay gayon ang ginagawa nila sa iyo.

399
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pagtitipon ng mga Matatanda

Nang magkagayo'y nagpipisan ang mga matanda ng Israel, at naparoon kay Samuel sa Ramatha;