Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 11

2 Mga Hari Rango:

14
Mga Konsepto ng TaludtodPalakpakKorona, Pinutungan ngTakip sa UloTagapagpahayagPunong Saserdote sa Lumang TipanPagpahid ng Langis ay sinasagawa saPagpuputong ng KoronaPalakpakanPinahiran ng Langis, Mga Hari naGinawang mga Hari

Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari.

50
Mga Konsepto ng TaludtodTunogPakikinig sa mga Bagay-bagay

At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon.

60

Sa gayo'y binigyang daan nila siya, at siya'y naparoon sa daan na pinapasukan ng mga kabayo sa bahay ng hari; at doon siya pinatay.

62
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Relasyon saPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saHuling Pahayag ng Tipan sa Diyos, Mga

At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan, na sila'y magiging bayan ng Panginoon; gayon din sa hari at sa bayan.

64
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianPagdarayaTrumpetaInstrumento ng Musika, Uri ngPagtataksilMagkapares na mga SalitaHaligi sa Templo ni Solomon, MgaTrumpeta para sa PagdiriwangYaong mga Humapak ng Kanilang KasuotanHindi TapatNagagalak sa Gawa ng DiyosTaksil, Mga

At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!

80
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipigil sa PagpatayPagpayag na Patayin

At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na nalalagay sa hukbo, at nagsabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at ang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon.

88
Mga Konsepto ng TaludtodKawalan ng KapanataganIna ng mga Hari, MgaPagpatay sa Buong PamilyaPagpatay sa mga Anak na Lalake at BabaeMga Lola

Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na lahing hari.

98
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasPagpatay sa mga Pari

At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. At ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon.

102
Mga Konsepto ng TaludtodTrono

At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin, at ang mga Cariteo, at ang bantay, at ang buong bayan ng lupain; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsipagdaan sa pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa luklukan ng mga hari.

107
Mga Konsepto ng TaludtodGulang nang Kinoronahan

Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari.

116
Mga Konsepto ng TaludtodNagagalak sa Gawa ng Diyos

Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay tahimik. At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari.

295
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-Tulugan, MgaPrinsipe, MgaMagkapatid na BabaePagnanakawPinapanatiling Buhay ng mga TaoPinangalanang mga Kapatid na BabaePribadong mga Silid

Nguni't kinuha ni Josaba, na anak na babae ng haring Joram, na kapatid na babae ni Ochozias, si Joas na anak ni Ochozias, at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, siya, at ang kaniyang yaya, at inilagay sila sa silid na tulugan; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.

318
Mga Konsepto ng TaludtodTinatakan ang TipanKomanderMangangalakal, MgaPanata ng TaoTipan, Relasyon saMga Taong Nakilala

At nang ikapitong taon, si Joiada ay nagsugo, at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin, sa mga Cariteo, at sa bantay, at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon; at siya'y nakipagtipan sa kanila, at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon, at ipinakita sa kanila ang anak ng hari;

354
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na Taon

At siya'y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain.

360

At ang dalawang pulutong ninyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na nagsilabas sa sabbath, ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari.

368

At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Panginoon.

374
Mga Konsepto ng TaludtodHinati sa Tatlong Bahagi

At kaniyang iniutos sa kanila, na sinasabi, ito ang bagay na inyong gagawin: ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari;

381
Mga Konsepto ng TaludtodSandata, Mga

At ang bantay ay tumayo, bawa't isa'y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot.

387
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga Tarangkahan

At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay: gayon kayo magbabantay sa bahay, at magiging hadlang.

393
Mga Konsepto ng TaludtodSandata, MgaKaibigan, Nakapaligid na mgaPagpayag na PatayinLabas Pasok

At inyong kukulungin ang hari sa palibot, na bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at ang pumasok sa hanay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y lumalabas, at pagka siya'y pumapasok.

401
Mga Konsepto ng TaludtodAntas

At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath, at nagsiparoon kay Joiada na saserdote.