Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 12

2 Mga Hari Rango:

22
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpetaProbisyon ng Kagamitan sa Templo

Nguni't walang ginawa para sa bahay ng Panginoon na mga tasang pilak, mga gunting, mga mangkok, mga pakakak, anomang mga kasangkapang ginto, o mga kasangkapang pilak, sa salapi na napasok sa bahay ng Panginoon:

46
Mga Konsepto ng TaludtodInaayos

Sapagka't kanilang ibinigay yaon sa kanila na nagsigawa ng gawain, at ipinaghusay ng bahay ng Panginoon.

67
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulatMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

82
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Handog para saSalapi para sa TemploIpinaguutos ang Pagaalay

Ang salaping handog dahil sa pagkakasala, at ang salaping handog dahil sa kasalanan, ay hindi ipinasok sa bahay ng Panginoon: yao'y sa mga saserdote nga.

83
Mga Konsepto ng TaludtodMukha, MgaSinasalakayBuong PusoPagbihag sa mga Lungsod

Nang magkagayo'y si Hazael na hari sa Siria ay umahon, at lumaban sa Gath, at sinakop yaon: at itinanaw ni Hazael ang kaniyang mukha upang umahon sa Jerusalem.

95
Mga Konsepto ng TaludtodPandarayaKatapatanLingkod, MabubutingMagpapakatiwalaanNegosyo, Etika ngSalapi, Pangangasiwa ngPagkukuwenta

Bukod dito'y hindi sila nangakikipagtuos sa mga lalake, na pinagabutan nila sa kamay ng salapi upang ibigay sa nagsisigawa ng gawain: sapagka't sila'y nagsisigawang may pagtatapat.

97
Mga Konsepto ng TaludtodGintoKalapastanganPananalapiSalapi para sa Templo

At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat, at ni Joram, at ni Ochozias, na kaniyang mga magulang, na mga hari sa Juda, at ang kaniyang mga itinalagang bagay, at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria: at siya'y umalis sa Jerusalem.

104
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Kasaysayan ngAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taonIna ng mga Hari, Mga

Nang ikapitong taon ni Jehu ay nagpasimulang maghari si Joas: at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beerseba.

113
Mga Konsepto ng TaludtodInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

Sapagka't sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath, at ni Jozabad na anak ni Somer, na kaniyang mga lingkod, at siya'y namatay; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya.

123
Mga Konsepto ng TaludtodSabwatan, MgaPagpatayNagplaplano ng Masama

At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon, at nagsipagbanta, at sinaktan si Joas sa bahay sa Millo, sa daan na palusong sa Silla.

217
Mga Konsepto ng TaludtodMga Bata, Pangangailangan ngMga Taong NagtuturoMga Taong Gumawa ng TamaPagtuturo sa mga BataPagsasanay sa mga Bata

At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote.

332
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Ari-arianSalapi para sa TemploSalapi, Pangangasiwa ngPagiimpok ng SalapiSaserdote, Mga

At sinabi ni Joas sa mga saserdote, Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon, na karaniwang salapi, na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa't isa, at ang buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon.

350
Mga Konsepto ng TaludtodTrabahoKahoy at BatoMason

At sa mga mangdadaras ng bato, at sa mga mananabas ng bato, at sa pagbili ng mga kahoy, at mga batong tabas upang husayin ang mga sira ng bahay ng Panginoon, at sa lahat sa magugugol sa bahay upang husayin.

351
Mga Konsepto ng TaludtodAltarInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ng

Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

371
Mga Konsepto ng TaludtodDibdibTamang PanigSalapi, Kahon ng

Nguni't si Joiada na saserdote ay kumuha ng isang kaban, at binutasan ang takip niyaon, at inilagay sa tabi ng dambana sa dakong kanan ng pumapasok sa bahay ng Panginoon: at isinilid doon ng mga saserdote na tagatanod-pinto ang buong salapi na dinala sa bahay ng Panginoon.

379
Mga Konsepto ng TaludtodEskribaBinibilang na mga PeraSalapi para sa Templo

At nagkagayon, nang makita nila na maraming salapi sa kaban, na ang kalihim ng hari at ang dakilang saserdote ay sumampa, at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.

385
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagKarpenteroGawaing Kahoy

At ibinigay nila ang salapi na tinimbang sa mga kamay nila na gumawa ng gawain, na siyang mga tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon; at kanilang ibinayad sa mga anluwagi at sa mga manggagawa, na gumawa sa bahay ng Panginoon,

386
Mga Konsepto ng TaludtodInaayos

Kunin ng mga saserdote, ng bawa't isa sa kaniyang kakilala: at kanilang huhusayin ang mga sira ng bahay saan man makakasumpong ng anomang sira.

394
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatawag, MgaBenta

Nang magkagayo'y tinawag ng haring si Joas si Joiada na saserdote, at ang ibang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Bakit hindi ninyo hinuhusay ang mga sira ng bahay? ngayon nga'y huwag na kayong magsikuha pa ng salapi sa inyong mga kakilala, kundi inyong ibigay para sa mga sira ng bahay.

395

Nguni't nangyari, nang ikadalawangpu't tatlong taon ng haring si Joas, na hindi hinusay ng mga saserdote ang mga sira ng bahay.

400
Mga Konsepto ng TaludtodInaayos

At pinayagan ng mga saserdote na huwag na silang magsikuha pa ng salapi sa bayan, o husayin man ang mga sira ng bahay.