Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 20

2 Mga Hari Rango:

35
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at KamatayanHari ng Israel at Juda, Mga

At natulog si Ezechias na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

414
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, MgaKabahayan, MgaPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanPropeta, Gampanin ng mgaKahandahanPaghihirap, Sanhi ngPaghihirap, Katangian ngKamatayan, Paghahanda saIsinasaayosNalalapit na KamatayanMaysakit na isang TaoKamatayan na MangyayariPinangalanang mga Propeta ng PanginoonKamatayanPagbutiKaramdamanPamilya, Kamatayan sa

Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong bahay; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.

439
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaPinuno, Mga Pulitikal na

Nang panahong yaon ay si Berodach-baladan, na anak ni Baladan, na hari sa Babilonia, ay nagpadala ng mga sulat at ng kaloob kay Ezechias: sapagka't kaniyang nabalitaan na si Ezechias ay nagkasakit.

455
Mga Konsepto ng TaludtodPalanguyanUmiinom ng TubigMga Aklat ng KasaysayanTubig, Daluyan ngHari ng Juda, MgaMga NakamitNakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang buo niyang kapangyarihan, at kung paano niyang ginawa ang tipunan ng tubig, at ang padaluyan, at nagdala ng tubig sa bayan, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

474
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng LinggoDiyos na NagpapagalingDiyos, Panalanging Sinagot ngDiyos na Nagbigay Pansin sa AkinPagbuti

Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.

515
Mga Konsepto ng TaludtodGintoHalamang Gamot at mga PampalasaKapalaluan, Halimbawa ngKapalaluan, Pinagmulan ngLugar para sa mga SandataBangoBagay na Nahayag, MgaKumuha ng mga Pinahalong MetalPagiging Totoo

At dininig ni Ezechias sila, at ipinakita sa kanila ang buong bahay ng kaniyang mahalagang mga bagay, ang pilak, at ang ginto, at ang mga espesia, at ang mahalagang langis, at ang bahay na taguan ng kaniyang sandata, at ang lahat na nasusumpungan sa mga kayamanan niya: walang anoman sa kaniyang bahay, o sa buong kaniyang sakop, na hindi ipinakita sa kanila ni Ezechias.

519
Mga Konsepto ng TaludtodPagbutiNananalangin

Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,

528
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganSampung BagayPasulongPatalikod

At sinabi ni Isaias, Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na kaniyang sinalita: magpapauna ba ang anino ng sangpung grado, o magpapahuli ng sangpung grado?

552
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan, Halimbawa ngPaninindigan sa DiyosPagtangisIba pa na TumatangisMga Taong Tumatangis sa Pagkawasak

Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.

553
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng LinggoPagbuti

At sinabi ni Ezechias kay Isaias, Ano ang magiging tanda na ako'y pagagalingin ng Panginoon, at ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw?

563
Mga Konsepto ng TaludtodSinagot na PanalanginHagdananAraw, Orasan Gamit angSampung BagayPatalikodHakbangEklipse

At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon: at kaniyang pinapagpahuli ang anino ng sangpung grado, na nakababa na sa orasan ni Achaz.

573
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanDoktor, MgaBukol at UlserGamotIgosPagbutiPaltos at Pamamaga

At sinabi ni Isaias, Kayo'y magsikuha ng isang binilong igos. At kinuha nila at itinapal sa bukol at siya'y gumaling.

594
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapang mga BanalPaghahanapPagbibitiwPanahon ng Kapayapaan

Nang magkagayo'y sinabi ni Ezechias kay Isaias, Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita. Kaniyang sinabi, bukod dito, Hindi ba, kung magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan?

609
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya at Inspirasyon sa Lumang TipanSalita ng Diyos

At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,

623
Mga Konsepto ng TaludtodTanggulang Gawa ng DiyosPagdaragdag ng Pagpapala15 hanggang 20 mga taonSa Kapakanan ng Bayan ng DiyosPagbutiKaramdaman

At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria; at aking ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.

639
Mga Konsepto ng TaludtodSampung BagayPasulongPatalikodMadali para sa Diyos

At sumagot si Ezechias, Magaang bagay sa anino na kumiling ng sangpung grado: hindi, kundi pahulihin ang anino ng sangpung grado.

658
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamay-aring Dinala sa BabilonyaGawing mga Pag-aari

Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon.

671
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon sa

At ang ilan sa iyong mga anak na magmumula sa iyo na iyong ipanganganak, sila'y dadalhin; at sila'y magiging bating sa bahay ng hari sa Babilonia.

680
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng DiyosTinatanggap ang Salita ng Diyos

At sinabi ni Isaias kay Ezechias, Dinggin mo ang salita ng Panginoon.

685
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong mula sa Malayong LugarSaan Mula?

Nang magkagayo'y naparoon si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, Anong sinasabi ng mga lalaking ito? at saan nagsipanggaling na napasa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila'y nagsipanggaling sa malayong lupain, sa makatuwid baga'y sa Babilonia.

713

At kaniyang sinabi, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias. Lahat na nasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anomang bagay na nasa aking mga kayamanan na di ko ipinakita sa kanila.