Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 19

2 Mga Hari Rango:

15
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos kay DavidDiyos, Panalanging Sinagot ngDiyos na Nagbigay Pansin sa Akin

Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria, dininig kita.

48
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaBirhen

Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya. Niwalang kabuluhan ka ng anak na dalaga ng Sion at tinatawanan ka, ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw ang kaniyang ulo sa iyo.

79
Mga Konsepto ng TaludtodPamumusong, Halimbawa ngKapalaluan, Bunga ngTinig, MgaKapal ng Mukha

Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? sa makatuwid baga'y laban sa Isang Banal ng Israel.

108
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng KompiyansaPagakyatKarwaheCedarMakamundong Hangarin, Halimbawa ngBulaang Tiwala, Halimbawa ngNatumbang mga Puno

Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon, at sinabi mo, Sa karamihan ng aking mga karo ako'y nakaahon sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa kaniyang pinaka malayong tuluyan, sa gubat ng kaniyang mabungang bukid.

125
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanMga Taong Pinapatuyo ang mga BagayPaa sa PagsasakatuparanHindi Maayos na Ilog

Ako'y humukay at uminom ng tubig ng iba, at aking tutuyuin ang lahat na ilog ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa.

171
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngNakaligtas sa Israel, Mga

Sapagka't sa Jerusalem ay lalabas ang isang nalabi, at sa bundok ng Sion ay silang magtatanan: gaganapin ito ng sikap ng Panginoon.

186
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos kay DavidDiyos na Nagliligtas sa NangangailanganSa Kapakanan ng Bayan ng Diyos

Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David.

198
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosKabayo, MgaKahihiyanIlongPagpipigilGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngMasama, Inilalarawan BilangBanal na PagpipigilPalalong mga Tao

Dahil sa iyong galit laban sa akin, at dahil sa iyong kagilasan ay dumating sa aking mga pakinig, kaya't aking ikakawit ang aking taga sa iyong ilong, at ang aking paningkaw sa iyong mga labi, at ibabalik kita sa daan na iyong pinanggalingan.

221
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngLabas Pasok

Nguni't talastas ko ang iyong pagupo, at ang iyong paglabas, at ang iyong pagpasok, at ang iyong pag-iinit laban sa akin.

267
Mga Konsepto ng TaludtodSanggalangMamamana sa isang HukboPagsalakay sa Jerusalem ay Hindi Natuloy

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol sa hari sa Asiria. Siya'y hindi paririto sa bayang ito, o magpapahilagpos man ng pana riyan, ni haharap man siya riyan na may kalasag, o maghahagis man ng bunton laban doon.

278
Mga Konsepto ng TaludtodUgatNakaligtas, Lingap sa mgaKakayahan ng BungaPagtatatag sa Bayan ng Diyos

At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay maguugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas,

289

Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria, at yumaon, at bumalik, at tumahan sa Ninive.

314

Sa daang kaniyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya darating sa bayang ito, sabi ng Panginoon.

384
Mga Konsepto ng TaludtodKulay, Berde naHalaman, MgaMalambingMasama, Inilalarawan BilangNakakapasoGaya ng DamoWalang Lakas na Natira

Kaya't ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan, sila'y nanganglupaypay at nangatulig; sila'y gaya ng damo sa bukid, at ng sariwang gugulayin, na gaya ng damo sa mga bubungan, at gaya ng trigo na lanta bago nakalaki.

397
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonUmagaIsangdaang Libo at Higit PaDiyos na PumapatayYaong mga Bumangon ng UmagaAnghel ng KamatayanDiyos na Pumapatay sa mga TaoAnghel, Gawain sa mga Hindi Mananampalataya ng mgaKamatayan

At nangyari, nang gabing yaon, na ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang daan at walong pu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, silang lahat ay mga bangkay.

424
Mga Konsepto ng TaludtodMga Batang MasamaRelihiyonEspada, MgaMasamang Anak, Halimbawa ng mgaPagsasalaula ng KabanalanPagpatay sa mga HariPagtakas mula sa Taung-BayanBanyagang mga Hari

At nangyari, nang siya'y sumamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adramelech, at ni Saresar: at sila'y nagsitanan na patungo sa lupain ng Ararat. At si Esar-hadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

428
Mga Konsepto ng TaludtodTelaYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

At nangyari, nang mabalitaan ng haring Ezechias, ay hinapak niya ang kaniyang mga suot, at nagbalot ng kayong magaspang, at pumasok sa bahay ng Panginoon.

443
Mga Konsepto ng TaludtodOpisyalesEskribaSekretaryaPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At kaniyang sinugo si Eliacim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang mga matanda sa mga saserdote na may mga balot na kayong magaspang, kay Isaias na propeta na anak ni Amos.

445
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Panukala ngPagkawasak ng mga LungsodDiyos na may Panukala noong Una PalangHindi PinapakingganPlano ng Diyos, Mga

Hindi mo ba nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking iniakma ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton.

450
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiyang Tanda, MgaTanda mula sa Diyos, MgaUbasanPagtatanim ng UbasanPagbubungkalKaraniwang PagtatanimInaaniHindi Matamnan na Lupa

At ito ang magiging tanda sa iyo: ikaw ay kakain sa taong ito ng tumutubo sa sarili, at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo, at umani, at mag-ubasan, at kanin ninyo ang bunga niyaon.

453
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig, Pagkakalikha ngLangit at LupaKahatulan, Luklukan ngKaharian, MgaKalawakanWalang Iba na DiyosAng Panginoong Yahweh ay Diyos

At si Ezechias ay dumalangin sa harap ng Panginoon at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na nauupo sa mga querubin, ikaw ang Dios, ikaw lamang sa lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang lumikha ng langit at lupa.

485
Mga Konsepto ng TaludtodAfrikaSugo, Mga Ipinadalang

At ng kaniyang marinig na sabihin ang tungkol kay Thiraca na hari sa Ethiopia, Narito, siya'y lumabas upang lumaban sa iyo, siya'y nagsugo ng mga sugo uli kay Ezechias, na sinasabi,

490
Mga Konsepto ng TaludtodTitik, MgaLiterasiyaKumakalat

At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo, at binasa; at pumanhik si Ezechias sa bahay ng Panginoon, at iniladlad sa harap ng Panginoon.

508
Mga Konsepto ng TaludtodPamumusong, Halimbawa ngDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliNalabiKakutyaan, Kinauukulan ngNakaligtas, Lingap sa mgaIpanalangin ninyo KamiMakikinig ba ang Diyos?

Marahil ay didinggin ng Panginoon mong Dios ang lahat ng mga salita ni Rabsaces na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios, at sasansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya't idalangin mo ang labis na natitira.

551
Mga Konsepto ng TaludtodKaharian, MgaPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngKahirapan, Panalangin sa Oras ngWalang Iba na DiyosPagkakaalam na Mayroong Diyos

Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami, isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Dios, ikaw lamang.

554
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Relihiyon

Iniligtas ba sila ng mga dios ng mga bansa na nilipol ng aking mga magulang, gaya ng Gozan, at ng Haran, at ng Reseph, at ng mga anak ni Eden na nangasa Thalasar?

564
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalaglagPanganganak, Hindi

At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng pagkutya: sapagka't ang mga anak ay nagsidating sa kapanganakan, at walang kalakasang ilabas.

567
Mga Konsepto ng TaludtodPamumusong, Halimbawa ngDiyos na NanlilinlangPaniniwala sa DiyosHari ng Juda, Mga

Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda, na sasabihin, Huwag kang dayain ng Dios na iyong tinitiwalaan na sabihin, Ang Jerusalem ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria.

589

Sa gayo'y bumalik si Rabsaces, at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna: sapagka't nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis.

593
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan, Panalangin sa Oras ngDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliMakinig ka O Diyos!

Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin ka: at dinggin mo ang mga salita ni Sennacherib, na kaniyang ipinasugo upang ipanungayaw sa buhay na Dios.

598
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatunayPaghihirap, Katangian ng

Sa katotohanan, Panginoon, sinira ng mga hari sa Asiria ang mga bansa, at ang kanilang mga lupain,

603

At sinabi ni Isaias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria.

631

Saan nandoon ang hari sa Hamath, at ang hari sa Arphad, at ang hari sa bayan ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva?

647
Mga Konsepto ng TaludtodUsap-UsapanEspiritu, Damdaming Aspeto ngPagpatay na MangyayariUsap-Usapan

Narito, ako'y maglalagay ng isang espiritu sa kaniya, at siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.

675
Mga Konsepto ng TaludtodMalikhainBato, MgaKahoyPagsunog sa mga Diyus-diyusang mga BagayKahoy at Bato

At inihagis ang kanilang mga dios sa apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi gawa ng mga kamay ng mga tao, na kahoy at bato; kaya't kanilang nilipol ang mga yaon.

679

Narito, nabalitaan mo ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain, sa paglipol na lubos sa kanila: at maliligtas ka ba?

683

Sa gayo'y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay nagsiparoon kay Isaias.