Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 24

2 Mga Hari Rango:

192
Mga Konsepto ng TaludtodHanggang sa Hangganan ng Euprates

At ang hari sa Egipto ay hindi na bumalik pa mula sa kaniyang lupain: sapagka't sinakop ng hari ng Babilonia, mula sa batis ng Egipto hanggang sa ilog Eufrates, lahat na nauukol sa hari sa Egipto.

406
Mga Konsepto ng TaludtodReynaDalawa Hanggang Apat na BuwanGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, Mga

Si Joachin ay may labing walong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem.

411
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaSinasalakayMasamang Pasya, Halimbawa ngHari, MgaPaghihimagsik laban sa Pamahalaan ng TaoPaglilingkod sa LipunanHukbo, Laban sa IsraelTatlong TaonYaong Napasailalim sa mga TaoHari ng Juda, Mga

Nang kaniyang mga kaarawan ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at si Joacim ay naging kaniyang alipin na tatlong taon: nang magkagayo'y bumalik siya at nanghimagsik laban sa kaniya.

468
Mga Konsepto ng TaludtodSampu hanggang Labing Apat na TaonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, Mga

Si Sedecias ay may dalawangpu't isang taon nang magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna.

489
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Pinangalanan Muli ang Ibang TaoHari ng Israel at Juda, Mga

At ginawa ng hari sa Babilonia na hari si Matanias na kapatid ng ama ni Joachin na kahalili niya, at binago ang kaniyang pangalan ng Sedecias.

493
Mga Konsepto ng TaludtodPandayMaliit na Bilang ng NalabiSampu-sampung LiboPagpapatapon sa Juda tungo sa Babilonya

At kaniyang dinala ang buong Jerusalem, at ang lahat na prinsipe, at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang, sa makatuwid baga'y sangpung libong bihag, at ang lahat na manggagawa at mangbabakal; walang nalabi liban sa mga pinakadukha sa bayan ng lupain.

512

Nang panahong yao'y ang mga lingkod ni Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem, at ang bayan ay nakubkob.

513
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanSalita ng DiyosDiyos na Nagsalita sa Pamamagitan ng mga Propeta

At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya ng mga pulutong ng mga Caldeo, at ng mga pulutong ng mga taga Siria, at ng mga pulutong ng mga Moabita, at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon, at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.

532
Mga Konsepto ng TaludtodMararangal na TaoHari ng Juda, MgaPagsuko

At nilabas ni Joachin na hari sa Juda ang hari sa Babilonia, niya, at ng kaniyang ina, at ng kaniyang mga lingkod, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng kaniyang mga pinuno: at kinuha siya ng hari ng Babilonia sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari.

562
Mga Konsepto ng TaludtodPalasyo, MgaPagiimbakKayamananParangalSirain ang mga SisidlanTemplo, Inalis na mga Kagamitan sa

At dinala niya mula roon ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, at pinagputolputol ang lahat na kasangkapang ginto na ginawa ng haring Salomon sa templo ng Panginoon, gaya ng sinabi ng Panginoon.

570
Mga Konsepto ng TaludtodHari ng Israel at Juda, Mga

Sa gayo'y natulog si Joacim na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Joachin na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

606
Mga Konsepto ng TaludtodPoligamyaHari na Ipinatapon, Mga

At dinala niya si Joachin sa Babilonia; at ang ina ng hari, at ang mga asawa ng hari, at ang kaniyang mga pinuno, at ang mga pinakamahal sa lupain, ay dinala niya sa pagkabihag sa Babilonia mula sa Jerusalem.

654
Mga Konsepto ng TaludtodHindi PagpapatawadPagpapadanakDiyos na Hindi NagpapatawadPagpapatawad

At dahil naman sa walang salang dugo na kaniyang ibinubo; sapagka't kaniyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo: at hindi pinatawad ng Panginoon.

657
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa Diyos, Bunga ngPinalayas mula sa Presensya ng Diyos

Tunay na sa utos ng Panginoon ay dumating ito sa Juda, upang alisin sila sa kaniyang paningin, dahil sa mga kasalanan ni Manases, ayon sa lahat niyang ginawa.

678
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalsaPinalayas mula sa Presensya ng Diyos

Sapagka't sa pamamagitan ng galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang itinaboy sila sa kaniyang harap: at si Sedecias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia.

689

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni Joachin.

702
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng KasaysayanMga Nakamit

Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda.

704

At si Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay naparoon sa bayan, samantalang ang kaniyang mga lingkod ay nangakukulong.

712
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Karanasan

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.

715
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saKarpenteroPitong Libo

At ang lahat na makapangyarihang lalake na pitong libo, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal na isang libo, lahat na sa kanila ay malakas at matalino sa pakikipagdigma, ay pinagdadalang bihag sa Babilonia ng hari.