Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 25

2 Mga Hari Rango:

130
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbayDakila at MuntiTakot sa mga Kaaway

At ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki, at ang mga pinuno ng hukbo, ay nagsitindig, at nagsiparoon sa Egipto; sapagka't sila'y nangatakot sa mga Caldeo.

247
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikalabing DalawangPagtataas ng UloMga Taong Pinalaya ng mga TaoHari ng Juda, Mga

At nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan;

398
Mga Konsepto ng TaludtodKabutihanTrono

At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.

433
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaSinasalakayPananakop, MgaHari, MgaPagkubkob, MgaPaglalakbayDigmaan, Halimbawa ngHukbo, Laban sa IsraelKutaBuwan, IkasampungTaon ni Zedekias, Mga

At nangyari nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon.

441
Mga Konsepto ng TaludtodKomanderBuwanBuwan, Ikalimang

Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia.

458
Mga Konsepto ng TaludtodMinsan sa Isang ArawPinira-Pirasong Pagkain

At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari, bawa't araw isang bahagi ng pagkain, lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.

514
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas sa Israel, Mga

At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda, na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan.

521
Mga Konsepto ng TaludtodPunong SaserdotePunong Saserdote sa Lumang TipanBilanggo, MgaBantay Pinto

At kinuha ng punong kawal ng bantay si Saraias na dakilang saserdote, at si Sophonias na ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto:

535
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahalamanPader, MgaKaaway, Nakapaligid na mgaDarating sa Pagitan ngNapapaderang mga BayanIsrael, Tumatakas angSa Isang GabiDalawang Bahagi ng Ipinapatayo

Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan;) at ang hari ay yumaon sa daan ng Araba.

536

Nang mabalitaan nga ng lahat ng pinuno ng mga hukbo, nila, at ng kanilang mga lalake, na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia, ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias, at si Johanan na anak ni Carea, at si Saraia na anak ni Tanhumet, na Netofatita, at si Jaazanias na anak ng Maachateo, sila at ang kanilang mga lalake.

537
Mga Konsepto ng TaludtodNaiibang Kasuotan

At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag. At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

549
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananWalang KabaitanSirang AnyoTansoPambubulagIba, Pagkabulag ngPagpatay sa mga Anak na Lalake at BabaeTansong mga Posas

At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia.

584
Mga Konsepto ng TaludtodPalasyo, MgaPagkawasak ng mga KabahayanPagkawasak ng mga TemploPagsunog sa JerusalemKabahayan, Nilulusob na mga

At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy.

586
Mga Konsepto ng TaludtodPaulit UlitTaon ni Zedekias, Mga

Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias.

596
Mga Konsepto ng TaludtodSampung TaoBuwan, IkapitongPagpatay sa mga Kilalang Tao

Nguni't nangyari nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nathanias, na anak ni Elisama, na mula sa lahing hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay naparoon, at sinaktan si Gedalias, na anopa't namatay, at ang mga Judio at ang mga Caldeo, na mga kasama niya sa Mizpa.

599

Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, ang kagutom ay lumala sa bayan, na anopa't walang tinapay sa bayan ng lupain.

618

Nang magkagayo'y kinuha nila ang hari at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla; at sila'y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya.

630
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamay-aring Dinala sa BabilonyaKaragatanKalapastanganSirain ang mga SisidlanHaligi sa Templo ni Solomon, MgaPagkamal ng TansoTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, at ang mga tungtungan at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, ay dinurog ng mga Caldeo, at dinala ang tanso sa Babilonia.

637
Mga Konsepto ng TaludtodAtas na Paglilingkod sa PamahalaanEskribaSekretaryaLimang TaoAnimnapu

At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma: at limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari na nangasumpungan sa bayan: at ang kalihim, ang punong kawal ng hukbo, na humusay ng bayan ng lupain; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain, na nangasumpungan sa bayan.

644
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, MgaNaabutan

Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico: at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya.

662
Mga Konsepto ng TaludtodMagsasaka, MgaNalabiMaliit na Bilang ng NalabiTagapagararoDayuhan, Mga

Nguni't iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid.

670
Mga Konsepto ng TaludtodGuwardiya, MgaNalabiPagpapatapon sa Juda tungo sa Babilonya

At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.

681
Mga Konsepto ng TaludtodSukat ng mga HaligiGranada, Prutas na

Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko, na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot, lahat ay tanso; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat.

684
Mga Konsepto ng TaludtodTahananKaparusahan, Katangian ngDigmaan, Halimbawa ngPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaPagpatay sa mga Israelita

At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at pinatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Sa gayo'y dinala ang Juda na bihag mula sa kaniyang lupain.

687
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng JerusalemPagkawasak ng Pader ng Jerusalem

At ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot, ng buong hukbo ng mga Caldeo, na kasama ng punong kawal ng bantay.

692
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na mga SisidlanBanal na Sisidlan, Mga

At ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga kutchara, at ang lahat na kasangkapan na tanso na kanilang ipinangangasiwa, ay kanilang dinala.

709
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi sa Templo ni Solomon, MgaPagkamal ng TansoDalawang Bahagi ng Ipinapatayo

Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang mga tungtungan, na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon; ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang.

711
Mga Konsepto ng TaludtodPilakKumuha ng mga Pinahalong Metal

At ang mga apuyan, at ang mga mangkok; na ang sa ginto, ay ginto, at ang sa pilak ay pilak, pinagdadala ng punong kawal ng bantay.

716

At kinuha sila ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla.

718
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Matakot sa Tao

At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake, at nagsabi sa kanila, Kayo'y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo: magsitahan kayo sa lupain, at kayo'y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.