Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 8

2 Mga Hari Rango:

5
Mga Konsepto ng TaludtodMapagbigay na TaoKaloob, Mga

Sa gayo'y naparoon na sinalubong siya ni Hazael, at nagdala siya ng kaloob, ng bawa't mabuting bagay sa Damasco, na apat na pung pasang kamelyo at naparoon at tumayo sa harap niya, at nagsabi, Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-adad na hari sa Siria, na sinasabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito?

21
Mga Konsepto ng TaludtodHinaharapPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngNalalapit na KamatayanKamatayan na MangyayariPagbutiKakayahan

At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Ikaw ay yumaon, sabihin mo sa kaniya, Walang pagsalang ikaw ay gagaling? gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Panginoon na siya'y walang pagsalang mamamatay.

52
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPagbubuntisLaslas na KatawanSaktan ang mga BuntisPagpatay na Mangyayari

At sinabi ni Hazael, Bakit umiyak ang panginoon ko? At siya'y sumagot, Sapagka't talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel: ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy, at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak, at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata, at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis.

57
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanPagtangis

At kaniyang itinitig ang kaniyang mukha, hanggang sa siya'y napahiya: at ang lalake ng Dios ay umiyak.

69
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng Israel

At nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel, noong si Josaphat ay hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda.

70
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaAko ay Hindi MahalagaResilenceSirya

At sinabi ni Hazael, Nguni't ano ang iyong lingkod na isang aso lamang na kaniyang gagawin ang dakilang bagay na ito? At sumagot si Eliseo, Ipinakilala sa akin ng Panginoon, na ikaw ay magiging hari sa Siria.

76

Nang magkagayo'y nilisan niya si Eliseo, at naparoon sa kaniyang panginoon; na nagsabi sa kaniya, Ano ang sabi ni Eliseo sa iyo? At siya'y sumagot, Kaniyang sinaysay sa akin na walang pagsalang ikaw ay gagaling.

84
Mga Konsepto ng TaludtodMamasa masang mga BagayMabulunanPagpatay sa mga HariNilalang, Sinisikil na mga

At nangyari, nang kinabukasan, na kaniyang kinuha ang munting kumot at binasa sa tubig, at iniladlad sa kaniyang mukha, na anopa't siya'y namatay: at si Hazael ay naghari na kahalili niya.

91
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kaharian ng Iba

At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang anak ni Achab ay kaniyang asawa: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.

137
Mga Konsepto ng TaludtodWalo o Siyam na TaonGulang nang Kinoronahan

Tatlongpu't dalawang taon ang gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem.

168
Mga Konsepto ng TaludtodKalakalPag-aalsaTagapamahala sa Edom

Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na humiwalay sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Juda, at naghalal sila ng hari sa kanila.

170
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Uri ngPitong Taon

Nagsalita nga si Eliseo sa babae, na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay, na sinasabi, Ikaw ay bumangon at yumaon ka at ang iyong sangbahayan, at mangibang bayan ka kung saan ka makakapangibang bayan: sapagka't nagtalaga ang Panginoon ng kagutom; at magtatagal naman sa lupain na pitong taon.

175
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheSinasalakay gamit ang KarwaheIsrael, Tumatakas angSa Isang GabiAng mga Bansa na Sinalakay

Nang magkagayo'y nagdaan si Joram sa Seir, at ang lahat niyang mga karo na kasama niya: at siya'y bumangon sa gabi, at sinaktan ang mga Edomeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga punong kawal ng mga karo; at ang bayan ay tumakas sa kanilang mga tolda.

179
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos kay DavidSa Kapakanan ng Bayan ng Diyos

Gayon ma'y hindi giniba ng Panginoon ang Juda, dahil kay David na kaniyang lingkod gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man.

185
Mga Konsepto ng TaludtodMga ApoIsang TaonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

May dalawangpu't dalawang taon si Ochozias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri na hari sa Israel.

191
Mga Konsepto ng TaludtodRelasyon Hanggang sa Araw na Ito

Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom sa kamay ng Juda, hanggang sa araw na ito. Nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahon ding yaon.

194
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

At ang iba sa mga gawa ni Joram, at ang lahat niyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

203
Mga Konsepto ng TaludtodMagkasamang Nakikipaglaban

At siya'y yumaong kasama ni Joram na anak ni Achab upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram.

223
Mga Konsepto ng TaludtodInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

236
Mga Konsepto ng TaludtodMaysakit na isang TaoTao ng DiyosSiryaDamascus

At si Eliseo ay naparoon sa Damasco; at si Ben-adad na hari sa Siria ay may sakit: at nasaysay sa kaniya, na sinabi, Ang lalake ng Dios ay naparito.

242
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng Israel

Nang ikalabing dalawang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda.

254
Mga Konsepto ng TaludtodManugang na LalakiAng Kaharian ng Iba

At siya'y lumakad ng lakad ng sangbahayan ni Achab; at gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't siya'y manugang sa sangbahayan ni Achab.

301
Mga Konsepto ng TaludtodTauhang Pinauwi ng Bahay, Mga

At nangyari, sa katapusan ng ikapitong taon, na ang babae ay bumalik na mula sa lupain ng mga Filisteo: at siya'y lumabas upang dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain.

308
Mga Konsepto ng TaludtodDumadalawPagdalaw sa mga MaysakitPagdalawMga Taong Bumibisita

At ang haring Joram ay bumalik upang magpagaling sa Jezreel, ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria sa Ramoth nang siya'y lumaban kay Hazael na hari sa Siria. At si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y nasugatan.

321

At nangyari, samantalang kaniyang sinasaysay sa hari kung paanong kaniyang isinauli ang buhay niyaon na patay, na narito, ang babae, na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay, ay dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain. At sinabi ni Giezi, Panginoon ko, Oh hari, ito ang babae, at ito ang kaniyang anak na sinaulian ng buhay ni Eliseo.

322
Mga Konsepto ng TaludtodPitong TaonTao ng Diyos

At ang babae ay bumangon, at ginawa ang ayon sa sinalita ng lalake ng Dios: at siya'y yumaon na kasama ng kaniyang sangbahayan, at nangibang bayan sa lupain ng mga Filisteo na pitong taon.

336
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga BansaPagbibigay, Balik na

At nang tanungin ng hari ang babae, sinaysay niya sa kaniya. Sa gayo'y hinalalan ng hari siya ng isang pinuno, na sinasabi, Isauli mo ang lahat ng kaniya, at ang lahat ng bunga ng bukid mula nang araw na kaniyang iwan ang lupain, hanggang ngayon.

343
Mga Konsepto ng TaludtodTao ng Diyos

Ang hari nga'y nakipagusap kay Giezi na lingkod ng lalake ng Dios, na sinasabi, Isinasamo ko sa iyo, na saysayin mo sa akin ang lahat na mga dakilang bagay na ginawa ni Eliseo.

358
Mga Konsepto ng TaludtodTao ng DiyosKaramdaman

At sinabi ng hari kay Hazael, Magdala ka ng isang kaloob sa iyong kamay, at yumaon kang salubungin mo ang lalake ng Dios, at magusisa ka sa Panginoon sa pamamagitan niya, na magsabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito?