Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 7

2 Mga Hari Rango:

36
Mga Konsepto ng TaludtodGintoBanal na PagtustosNatatagong mga Bagay

At nang ang mga may ketong na ito'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento, sila'y nagsipasok sa isang tolda, at nagsikain at nagsiinom, at nagsipagdala mula roon ng pilak, at ng ginto, at ng bihisan, at nagsiyaon at itinago; at sila'y bumalik, at pumasok sa ibang tolda, at nagdala rin mula roon, at nagsiyaon at itinago.

71
Mga Konsepto ng TaludtodEbanghelista, Pagkatao ngPag-ebanghelyo, Katangian ngMabuting mga BalitaMadaling ArawMabuting BalitaHanggang sa Pagbubukang LiwaywayYaong mga Hindi NagsabiKami ay NagkasalaPagsasagawa sa Bagay na Mabuti

Nang magkagayo'y nagsangusapan sila. Hindi mabuti ang ginagawa natin: ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita, at tayo'y tumatahimik: kung tayo'y magsipaghintay ng hanggang sa pagliliwayway sa kinaumagahan, parusa ang aabot sa atin: ngayon nga'y halina, tayo'y magsiyaon at ating saysayin sa sangbahayan ng hari.

112
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod, MgaWalang Lamang mga LugarPagkawala ng Asno

Sa gayo'y nagsiparoon sila, at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan: at kanilang isinaysay sa kanila, na sinasabi, Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria, at, narito, walang lalake roon ni tinig man ng lalake, kundi mga nakataling kabayo, at mga asnong nangakatali, at ang mga tolda na gaya ng dati.

127

At tinawag niya ang mga tagatanod-pinto; at kanilang sinaysay sa sangbahayan ng hari sa loob.

169
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatago mula sa mga TaoSa Isang Gabi

At ang hari ay bumangon sa gabi, at nagsabi sa kaniyang mga lingkod, Ipakikita ko sa inyo ngayon kung ano ang ginawa ng mga taga Siria sa atin. Kanilang talastas na tayo'y gutom; kaya't sila'y nagsilabas ng kampamento upang magsipangubli sa parang, na nagsasabi, Pagka sila'y nagsilabas sa bayan, ating kukunin silang buhay at papasok tayo sa bayan.

205
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainPagawan ng SinsilyoEliseo, Mga Propesiya niTarangkahanTrigoPropesiya, Paraan sa Lumang TipanKalakalTimbangan at PanukatTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanMuraIba pang mga Panukat ng DamiKinabukasanPagtitinda

At sinabi ni Eliseo, Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ganito ang sabi ng Panginoon: Bukas sa may ganitong oras, ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo, sa pintuang-bayan ng Samaria.

216
Mga Konsepto ng TaludtodDalawa Pang BagayMinamasdan at Nakikita

Sila nga'y nagsikuha ng dalawang karo na may mga kabayo; at ang hari ay nagsugo na pinasundan ang hukbo ng mga taga Siria, na nagsabi, Kayo ay yumaon at tingnan ninyo.

218
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod sa mga BagayNagmamadaling Hakbang

At kanilang sinundan sila hanggang sa Jordan; at, narito, ang buong daa'y puno ng mga kasuutan at ng mga kasangkapan na mga inihagis ng mga taga Siria sa kanilang pagmamadali. At ang mga sugo ay nagsibalik at nagsaysay sa hari.

219
Mga Konsepto ng TaludtodLimang HayopGaya ng mga Masasamang Tao

At isa sa kaniyang mga lingkod ay sumagot, at nagsabi, Isinasamo ko sa inyo na kunin ng ilan ang lima sa mga kabayong nalabi, na natira sa bayan (narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na natira roon; narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na nalipol:) at tayo'y magsugo at ating tingnan.

246
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanKetongPagiisaPagkukulongApat na TaoPaghihintay sa TarangkahanPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanPagkamatayPaghihintay hanggang sa MagasawaSirya

Mayroon ngang apat na may ketong sa pasukan ng pintuang-bayan: at sila'y nagsangusapan. Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo'y mamatay?

269
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap, Sanhi ngTinatapakan ang mga TaoKamatayan ng mga Hindi Pinangalanang TaoIba pang Tumutulong

At inihabilin ng hari sa punong kawal na pinangangapitan niya, ang katungkulan sa pintuang-bayan: at niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay na gaya ng sinabi ng lalake ng Dios, na nagsalita nang lusungin siya ng hari.

275
Mga Konsepto ng TaludtodSalapi, Gamit ngSamsam sa DigmaanMuraIba pang mga Panukat ng Dami

At ang bayan ay lumabas, at sinamsaman ang kampamento ng mga taga Siria. Sa gayo'y ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo, ayon sa salita ng Panginoon.

287
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanMuraIba pang mga Panukat ng DamiKinabukasan

At nangyari, gaya ng sinabi ng lalake ng Dios sa hari, na sinasabi, Ang dalawang takal ng sebada ay maipagbibili isang siklo, at ang isang takal ng mainam na harina ay isang siklo, mangyayari bukas sa may ganitong oras sa pintuang-bayan ng Samaria;

296
Mga Konsepto ng TaludtodEliseo, Mga Propesiya niBisigHindi Pananalig, Bilang Tugon sa DiyosHindi Pananalig, Ipinakita sa Pamamagitan ngHindi Pananalig, Halimbawa ngMapagalinlanganDurungawan ng LangitImposible para sa DiyosIba pang TumutulongMinamasdan ang mga Gawa ng DiyosTinatanong ang DiyosKinabukasanMaharlika, Pagka

Nang magkagayo'y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginoo'y gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon.

315
Mga Konsepto ng TaludtodDurungawan ng LangitImposible para sa DiyosMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

At ang punong kawal na yaon ay sumagot sa lalake ng Dios, at nagsabi, Ngayon, narito, kung ang Panginoon ay gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ang gayong bagay? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon:

330
Mga Konsepto ng TaludtodTinatapakan ang mga TaoTao, Natupad Niyang Salita

Nangyari ngang gayon sa kaniya; sapagka't niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay.

338
Mga Konsepto ng TaludtodPagliligtas, Paraan ngUmuupaKabayo, MgaGulong, MgaSinasalakay gamit ang KarwaheTunogPakikinig sa mga Bagay-bagayKaaway, Atake ng mgaSiryaYapak ng PaaUsap-UsapanBakas ng PaaPampatibaySandatahang-Lakas

Sapagka't ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, sa makatuwid baga'y ang hugong ng malaking hukbo: at sila'y nagsangusapan. Narito, inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo, at ang mga hari ng mga taga Egipto, upang magsidaluhong sa atin.

361
Mga Konsepto ng TaludtodPesimismoIbinigay ang Sarili sa KamatayanPagkamatayPagsuko

Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buhay, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo.

377
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Paglubog ngWalang Lamang mga LugarSirya

At sila'y nagsitindig pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon.

382
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong TumatakasPagkawala ng Asno

Kaya't sila'y nagsitindig, at nagsitakas sa pagtatakip silim, at iniwan ang kanilang mga tolda, at ang kanilang mga kabayo, at ang kanilang mga asno, at ang buong kampamento, na gaya ng dati, at nagsitakas dahil sa kanilang buhay.