Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 24

2 Paralipomeno Rango:

50
Mga Konsepto ng TaludtodLibingan

At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.

95

At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.

206

Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

310
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Kasaysayan ngAng Bilang ApatnapuMatulunging mga Bata40 hanggang 50 mga taon

Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba.

314
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanMasama, Tugon ng Mananampalataya saHindi Pagsisisi, Bunga ngTagumpay bilang Gawa ng DiyosAng Espiritu ng Diyos

At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.

350

At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote.

433
Mga Konsepto ng TaludtodTemplo, Mga PaganongKalapastangan

Sapagka't giniba ng mga anak ni Athalia, niyaong masamang babae, ang bahay ng Dios, at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon.

453
Mga Konsepto ng TaludtodPunong SaserdoteMoises, Kahalagahan niBuwis, Maniningil ng

At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa tabernakulo ng patotoo?

454
Mga Konsepto ng TaludtodKalakihanMalaking Hukbo

Sapagka't ang hukbo ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan si Joas.

475

At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari, at siya'y nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

479
Mga Konsepto ng TaludtodPananakop, Mga

At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.

503

Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda, at nangagbigay galang sa hari. Nang magkagayo'y dininig sila ng hari.

505
Mga Konsepto ng TaludtodKoleksyonPangangalagaKapabayaanPagmamadali

At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita, at sinabi sa kanila, Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda, at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon, at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay. Gayon ma'y hindi minadali ng mga Levita.

532
Mga Konsepto ng TaludtodTalikuran ang mga Bagay ng Diyos

At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at ang pag-iinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito.

572
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Utang na LoobKabutihan

Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.

573
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalikDalawangpu, Ilang

At nangyari, pagkatapos nito, na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon.

576
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahayag, Mga

At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.

583
Mga Konsepto ng TaludtodMatandang Edad, Pagkamit ng

Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay.

585
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoPagkamartir ng mga BanalParusang KamatayanPatibongSabwatan

At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at binato siya ng mga bato, sa utos ng hari sa looban ng bahay ng Panginoon.

608
Mga Konsepto ng TaludtodOpisyalesEskribaSekretarya

At nagkagayon, nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari, sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita, at nang kanilang makita na maraming salapi, na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban, at kinuha, at dinala uli sa dakong kinaroroonan. Ganito ang kanilang ginawa araw-araw, at nagtipon ng salapi na sagana.

625
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanPasukan sa Templo

Sa gayo'y nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa pintuang daan ng bahay ng Panginoon.

649
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kilos ngGawa ng Diyos sa IsraelPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saPropeta, Gampanin ng mgaKatigasan laban sa DiyosPropeta, Mga

Gayon ma'y nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.

659

At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari, sapagka't siya'y gumawa ng mabuti sa Israel, at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan.

660
Mga Konsepto ng TaludtodKasipaganPampatibay

Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay.

662
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningTansoKarpenteroUmuupaBakalMason, MgaPampatibay

At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon.

664
Mga Konsepto ng TaludtodPinuno, Mga Espirituwal naPilakKutsara, Mga

At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada.

694
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Ari-arian

At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban, hanggang sa natapos.