82 Talata sa Bibliya tungkol sa Pilak

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Job 28:1-4

Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato. Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.magbasa pa.
Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.

1 Mga Hari 10:22

Sapagka't ang hari ay mayroon sa dagat ng mga sasakyan na yari sa Tharsis na kasama ng mga sasakyang dagat ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay nanggagaling ang mga sasakyang dagat na yari sa Tharsis, na nagdadala ng ginto, at pilak, at garing, at mga unggoy, at mga pabo real.

2 Paralipomeno 9:20

At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto, at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon.

Jeremias 10:9

May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.

Ezekiel 27:12

Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan; na ang pilak, bakal, lata, at tingga, ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal.

Pahayag 18:11-12

At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal; Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;

Kawikaan 27:21

Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.

Ezekiel 22:20-22

Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo. Oo, aking pipisanin kayo, at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot, at kayo'y mangapupugnaw sa gitna niyaon. Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno, gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo.

Zacarias 13:9

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Malakias 3:3

At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.

2 Paralipomeno 2:7

Ngayon nga'y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, at sa kulay ube, at matingkad na pula, at bughaw, at ng makauukit ng sarisaring ukit, upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem, na itinaan ni David na aking ama.

Mga Gawa 19:24

Sapagka't may isang taong nagngangalang Demetrio, pandaypilak, na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana, ay nagbibigay ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday;

Genesis 24:35

At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.

Mga Bilang 22:18

At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac, Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios, na ako'y gumawa ng kulang o higit.

Deuteronomio 8:13

At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;

Deuteronomio 17:17

Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

Josue 22:8

At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.

2 Paralipomeno 32:27

At si Ezechias ay nagkaroon ng malabis na mga kayamanan at karangalan: at siya'y nagtaan para sa kaniya, ng mga ingatang-yaman na ukol sa pilak, at sa ginto; at sa mga mahalagang bato, at sa mga espisia, at sa mga kalasag, at sa lahat na sarisaring mabubuting mga sisidlan:

Job 3:13-15

Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako: Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila; O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:

Job 27:16

Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik;

Awit 105:37

At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.

Isaias 2:7

Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo.

Isaias 60:17

Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.

Ezekiel 16:13

Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari.

Ezekiel 28:4

Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman;

Daniel 11:43

Nguni't siya'y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang.

Zacarias 9:3

At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan.

Zacarias 14:14

At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.

Exodo 25:1-3

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;

Exodo 35:5

Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;

Mga Bilang 7:84-85

Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto: Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario;

2 Samuel 8:11

Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang mga ito, na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko;

1 Paralipomeno 18:11

Ang mga ito naman ay itinalaga ng haring David sa Panginoon, pati ng pilak at ginto na kaniyang kinuha sa lahat na bansa; na mula sa Edom, at mula sa Moab, at mula sa mga anak ni Ammon, at mula sa mga Filisteo, at mula sa Amalec.

1 Paralipomeno 29:7

At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.

Ezra 1:1-11

Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya'y Dios,) na nasa Jerusalem.magbasa pa.
At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem. Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem. At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog. Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios; Sa makatuwid baga'y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman, at mga binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda. At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu't siyam na sundang; Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo. Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.

Ezra 2:68-69

At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan: Sila'y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain, na anim na pu't isang libong darikong ginto, at limang libong librang pilak, at isang daan na bihisan ng mga saserdote.

Ezra 7:13-16

Ako'y gumagawa ng pasiya, na silang lahat na sa bayan ng Israel, at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita, sa aking kaharian, na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem, ay magsisama sa iyo. Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang pitong kasangguni, upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay; At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem.magbasa pa.
At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem;

Ezra 8:24-30

Nang magkagayo'y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote, sa makatuwid baga'y si Serebias, si Hasabias, at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila. At tinimbang sa kanila ang pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, sa makatuwid baga'y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon: Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak, at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento: sa ginto ay isang daang talento;magbasa pa.
At dalawang pung mangkok na ginto, na may isang libong dariko; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso, na halagang gaya ng ginto. At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang. Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga silid ng bahay ng Panginoon. Sa gayo'y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto, at ng mga sisidlan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng ating Dios.

Nehemias 7:71-72

At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak. At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.

Exodo 38:17

At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso: ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak.

Exodo 26:18-25

At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo: dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan. At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa't tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa: At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo, sa dakong hilagaan, ay dalawang pung tabla:magbasa pa.
At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla. At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan. At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya; gayon ang gagawin sa dalawa; para sa dalawang sulok. At magkakaroon ng walong tabla, at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla.

Exodo 36:23-30

At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan: At siya'y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa. At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan, ay gumawa siya ng dalawang pung tabla.magbasa pa.
At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla. At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla. At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan. Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas, sa isang argolya; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok. At mayroong walong tabla, at ang mga tungtungang pilak, ay labing anim na tungtungan; sa ilalim ng bawa't tabla ay dalawang tungtungan.

Exodo 26:31-32

At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube, at pula at linong pinili: na may mga querubing mainam ang pagkayari: At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin: na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak.

Exodo 36:35-36

At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa. At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia, at pinagbalot ng ginto: ang kanilang mga sima ay ginto rin: at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak.

Exodo 27:9-11

At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran: At ang ihahaligi doo'y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak. At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak.

Exodo 38:9-12

At kaniyang ginawa ang looban, sa tagilirang timugan na dakong timugan, ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko: Ang mga haligi ng mga yao'y dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak. At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko, ang mga haligi ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.magbasa pa.
At sa tagilirang kalunuran, may mga tabing na may limangpung siko, ang mga haligi ay sangpu, at ang mga tungtungan ay sangpu; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.

Exodo 27:17

Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso.

Exodo 38:18-19

At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili: at may dalawangpung siko ang haba, at ang taas sa luwang ay may limang siko, na kabagay ng mga tabing sa looban. At ang mga haligi ay apat, at ang mga tungtungan ay apat, tanso; ang mga sima ay pilak, at ang mga balot ng kapitel, at ang mga pilete ay pilak.

Mga Bilang 10:2

Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak; yari sa pamukpok gagawin mo: at iyong gagamitin sa pagtawag sa kapisanan, at sa paglalakbay ng mga kampamento.

1 Paralipomeno 22:14

Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan.

1 Mga Hari 7:51

Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

2 Paralipomeno 5:1

Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama; sa makatuwid baga'y ang pilak, at ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios.

1 Mga Hari 15:15

At kaniyang ipinasok sa bahay ng Panginoon ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at ang mga bagay na itinalaga niya, pilak, at ginto, at mga sisidlan.

2 Paralipomeno 15:18

At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at yaon mang kaniyang itinalaga, na pilak, at ginto, at mga sisidlan.

2 Mga Hari 25:15

At ang mga apuyan, at ang mga mangkok; na ang sa ginto, ay ginto, at ang sa pilak ay pilak, pinagdadala ng punong kawal ng bantay.

Jeremias 52:19

At ang mga saro, at ang mga apuyan, at ang mga mankok, at ang mga palayok, at ang mga kandelero, at ang mga kuchara, at ang mga tasa, ang ginto sa ginto, at ang pilak sa pilak, dinala ng kapitan ng bantay.

1 Paralipomeno 28:14-17

Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod: Na ang timbang din naman na ukol sa mga kandelero na ginto, at sa mga ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero: At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak:magbasa pa.
At ang mga panduro, at ang mga mangkok, at ang mga saro, na taganas na ginto: at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa't taza; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa't taza;

1 Paralipomeno 29:2-5

Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana. Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay; Sa makatuwid baga'y tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:magbasa pa.
Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?

2 Paralipomeno 24:14

At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada.

Daniel 5:2

Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.

1 Mga Hari 10:27

At ginawa ng hari na maging gaya ng mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro, ay ginawa niyang maging gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.

2 Paralipomeno 1:15

At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.

2 Paralipomeno 9:27

At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa, dahil sa kasaganaan.

1 Mga Hari 10:21

At ang lahat na sisidlang inuman ng haring Salomon ay ginto, at ang lahat na sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto: walang pilak; hindi mahalaga ito sa mga kaarawan ni Salomon.

Genesis 37:28

At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.

Genesis 20:16

At kay Sara'y sinabi niya, Narito, nagbigay ako ng isang libong putol na pilak sa iyong kapatid: narito, ito sa iyo'y piring sa mga mata ng lahat ng kasama mo; at sa harap ng lahat ay nagbangong puri ka.

Genesis 23:15-16

Panginoon ko, dinggin mo ako: isang putol ng lupa na ang halaga'y apat na raang siklong pilak: gaano sa akin at sa iyo? ilibing mo nga ang iyong patay. At dininig ni Abraham si Ephron; at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi, sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak, na karaniwang salapi ng mga mangangalakal.

Genesis 33:19

At binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kaniyang tolda, sa kamay ng mga anak ni Hamor, na ama ni Sichem, ng isang daang putol na salapi.

Genesis 42:35

At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong, na, narito, sa bayong ng bawa't isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi: at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, ay nangatakot.

Exodo 21:32

Kung ang baka ay manuwag sa isang aliping lalake o babae, ay magbabayad ang may-ari ng tatlong pung siklong pilak sa kanilang panginoon, at ang baka ay babatuhin.

Exodo 38:25

At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:

Levitico 5:15

Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala:

Levitico 27:6

At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga.

Mga Paksa sa Pilak

Pagkamal na Pilak

Exodo 38:25

At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:

Pinapaibabawan ng Pilak

Isaias 30:22

At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a