Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 26

2 Paralipomeno Rango:

295
Mga Konsepto ng TaludtodGulang nang KinoronahanLaro, Mga

At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

306
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutanKapalaluan, Bunga ngSarili, Tiwala saKatigasan, Bunga ngMapagmataasTukso, Pinagmumulan ngKalapastanganPagpasok sa TemploKayabangan

Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.

345
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang PitaganParaan upang MagtagumpayPagpipitagan at PagpapalaTagumpayLaro, Mga

At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios.

361
Mga Konsepto ng TaludtodLaro, Mga

Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda, pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang.

399
Mga Konsepto ng TaludtodPader, Mga

At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo.

400

Ang iba nga sa mga gawa ni Uzzias, na una at huli, isinulat ni Isaias na propeta, na anak ni Amos.

403
Mga Konsepto ng TaludtodMagsasaka, MgaTorePinangalanang mga TarangkahanLaro, MgaPampatibay

Bukod dito'y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan na nasa panulok, at sa pintuang-bayan sa libis, at sa pagliko ng kuta, at mga pinagtibay.

410
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, MgaKabanalan, Paglago sa KamunduhanPagiisaKalinisanPagkukulong

At si Uzzias na hari ay nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan sa bahay na bukod dahil sa may ketong: sapagka't siya'y nahiwalay sa bahay ng Panginoon; at si Joatham na kaniyang anak ay katiwala ng bahay ng hari, na humahatol sa bayan ng lupain.

411
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayTapayanUbasanTagapagbantayAgrikulturaPagsasaka

At siya'y nagtayo ng mga moog sa ilang, at humukay ng maraming balon, sapagka't siya'y nagkaroon ng maraming kawan; sa mababang lupa rin naman, at sa kapatagan; at siya'y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid; sapagka't siya'y may hilig sa bukiran.

422
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng TaoGalit, Halimbawa ng Makasalanang

Nang magkagayo'y si Uzzias ay naginit; at siya'y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan; at habang siya'y nagiinit sa mga saserdote, ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon, sa siping ng dambana ng kamangyan,

462
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Kasaysayan ng50 hanggang 70 mga taonGulang nang Kinoronahan

May labing anim na taon si Uzzias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem.

464
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyaganPagiisipBato, MgaImbensyon, MgaPana, MgaLaro, Mga

At siya'y gumawa sa Jerusalem ng mga makina, na katha ng mga bihasang tao, upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato. At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam: sapagka't siya'y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya'y lumakas.

470

At si Azarias na punong saserdote, at ang lahat ng mga saserdote, ay nagsitingin sa kaniya, at narito, siya'y may ketong sa kaniyang noo, at kanilang itinulak siya na madalian mula roon; oo, siya nama'y nagmadaling lumabas sapagka't sinaktan siya ng Panginoon.

488
Mga Konsepto ng TaludtodMga Bata, Pangangailangan ngMga Batang may Mabuting Halimbawa ng MagulangLaro, Mga

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.

493
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapMasama, Tugon ng Mananampalataya saHamonSantuwaryoPagtatalaga

At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan; lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.

500
Mga Konsepto ng TaludtodSekretarya

Bukod dito'y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban, na nagsisilabas sa pakikipagdigma na pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim, at ni Maasias na pinuno, sa kapangyarihan ni Hananias, na isa sa mga punong kawal ng hari.

507
Mga Konsepto ng TaludtodLaro, Mga

At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo, at laban sa mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal, at sa mga Meunim.

516
Mga Konsepto ng TaludtodLibingan

Sa gayo'y natulog si Uzzias na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa parang na libingan na ukol sa mga hari; sapagka't kanilang sinabi, Siya'y may ketong: at si Joatham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

540
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibBalabalBalutiTakip sa UloSanggalangTirador, MgaSibat, MgaMamamana sa isang HukboKalasag, Sanggalang naLugar para sa mga SandataLaro, Mga

At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga'y ang buong hukbo, ng mga kalasag, at mga sibat, at ng mga turbante, at ng mga sapyaw, at ng mga busog, at ng mga bato na ukol sa panghilagpos.

567
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubuwisParangal

At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga kaloob kay Uzzias; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto; sapagka't siya'y lumakas na mainam.

632
Mga Konsepto ng TaludtodIka-walongpu

At si Azarias na saserdote ay pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:

731
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Libo

Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, ay dalawang libo at anim na raan.

738
Mga Konsepto ng TaludtodMandirigma, MgaTatlo hanggang Siyamraang Libo

At sa kapangyarihan ng kanilang kamay ay may isang maayos na hukbo, na tatlong daan at pitong libo at limang daan, na nakikipagdigmang may malakas na kapangyarihan, upang tulungan ang hari laban sa kaaway.