55 Talata sa Bibliya tungkol sa Pader, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario; kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio: sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
At nangyari nang kinabukasan, na ang masamang espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul, at siya'y nanghula sa gitna ng bahay: at si David ay tumugtog ng kaniyang kamay, gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw; at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay. At inihagis ni Saul ang sibat; sapagka't kaniyang sinabi, Aking tutuhugin si David sa dinding. At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa.
At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga'y sa upuang nasa siping ng dinding; at tumayo si Jonathan, at umupo si Abner sa siping ni Saul; nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo.
Nang magkagayo'y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig, at nanalangin sa Panginoon,
Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat.
Sapagka't sinabi niya sa Juda, Itayo natin ang mga bayang ito, at gawan sa palibot ng mga kuta, at ng mga moog, ng mga pintuang-bayan, at ng mga halang; ang lupain ay nasa harap pa natin, sapagka't ating hinahanap ang Panginoon nating Dios; ating hinanap siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako. Sa gayo'y kanilang itinayo at nagsiginhawa.
At ang mga pastulan sa mga bayan, na inyong ibibigay sa mga Levita, ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas.
At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat, sa bahay ni Astaroth: at kanilang ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san.
Si David nga ay nakaupo sa pagitan ng dalawang pintuang-bayan: at ang bantay ay sumampa sa ibabaw ng pintuang-bayan, sa kuta, at itinanaw ang kaniyang mga mata, at tumingin, at narito, isang lalake ay tumatakbong nagiisa.
Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.
Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayo'y parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayo'y huwag nang maging kadustaan.
Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.
At mangyayari, na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya.
At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.
Nang magkagayo'y kinuha niya ang kaniyang pinaka matandang anak na maghahari sana na kahalili niya, at inihandog niya na pinakahandog na susunugin sa ibabaw ng kuta. At nagkaroon ng malaking galit laban sa Israel: at kanilang nilisan siya, at bumalik sa kanilang sariling lupain.
Siya'y nagtayo ng mataas na pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, at sa kuta ng Ophel ay nagtayo siya ng marami.
Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.
At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.
At ang malaking looban sa palibot ay may tatlong hanay ng batong tabas, at isang hanay na sikang na sedro; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at ng portiko ng bahay.
Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
Nang magkagayo'y tumayo ang anghel ng Panginoon sa isang makipot na daan sa pagitan ng mga ubasan, na ang isang bakod ay sumasadako rito, at ang isang bakod ay sumasadakong yaon. At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y inipit sa bakod, at naipit ang paa ni Balaam sa bakod: at kaniyang pinalo uli ang asno.
Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.
Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya.
At sila'y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha, at sila'y nagtindig ng isang bunton laban sa bayan, at tumayo laban sa kuta: at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab, upang ibuwal.
At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas na anak ni Ochozias, sa Beth-semes, at naparoon sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.
Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan;) at ang hari ay yumaon sa daan ng Araba.
At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo.
At sinunog nila ang bahay ng Dios, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon.
At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.
Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
At ngayo'y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan: aking aalisin ang bakod na siit niyaon, at sasalantain; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan:
Sapagka't araw na pagkatulig at ng pagyurak, at ng pagkalito, mula sa Panginoon, mula sa Panginoon ng mga hukbo, sa libis ng pangitain; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok.
Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion; kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba: at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; nanganglulupaypay kapuwa.
At kanilang gigibain ang mga kuta ng Tiro, at ibabagsak ang kaniyang mga moog: akin din namang papalisin sa kaniya ang kaniyang alabok, at gagawin ko siyang hubad na bato.
At kayo'y magsisilabas sa mga sira, na bawa't isa'y tuloytuloy; at kayo'y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon.
Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.
Nguni't ang nangatira ay nagsitakas sa Aphec sa loob ng bayan; at ang kuta ay nabuwal sa dalawang pu't pitong libong lalake na nangatira. At si Ben-adad ay tumakas at pumasok sa bayan, sa isang silid na pinakaloob.
Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa: Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon. Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal?magbasa pa.
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin. Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man; Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.
Sapagka't ikaw ay naging ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.
Sila'y naging kuta sa amin sa gabi at gayon din sa araw buong panahong aming ikinaroon sa kanila sa pagaalaga ng mga tupa.
Sapagka't kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem.
Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.
Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan, at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain.
At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan.
Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pablo, sasaktan ka ng Dios, ikaw na pinaputing pader: at nakaupo ka baga upang ako'y hatulan mo ayon sa kautusan, at ako'y sinasaktan mo ng laban sa kautusan?
Na may isang malaki at mataas na kuta; na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel: Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan. At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.magbasa pa.
At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito. At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat. At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel. At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog. Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;