Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 14

2 Samuel Rango:

37

Ngayon nga'y kung kaya't ako'y naparito upang salitain ang salitang ito sa aking panginoon na hari, ay sapagka't tinakot ako ng bayan: at sinabi ng iyong lingkod, Ako'y magsasalita sa hari; marahil ay gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.

70
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinig sa Taung-Bayan

Sapagka't didinggin ng hari upang iligtas ang kaniyang lingkod sa kamay ng lalake na nagiibig magbuwal sa akin at sa aking anak na magkasama sa mana ng Dios.

155
Mga Konsepto ng TaludtodSumasagot na BayanBagay na Nahayag, Mga

Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi sa babae, Huwag mong ikubli sa akin, isinasamo ko sa iyo, ang anoman na aking itatanong sa iyo. At sinabi ng babae, Magsalita nga ang aking panginoon na hari.

198

Sa gayo'y bumangon si Joab at naparoon sa Gessur, at dinala si Absalom sa Jerusalem.

203
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungang Kumilala, Katangian ngKaalaman sa Mabuti at MasamaAnghel, Katangian ng mgaAnghel ng Panginoon, AngDiyos na SasaiyoGaya ng mga Anghel

Nang magkagayo'y sinabi ng iyong lingkod, Isinasamo ko sa iyo na ang salita ng aking panginoon na hari ay sa ikaaaliw: sapagka't kung paano ang anghel ng Dios, ay gayon ang aking panginoon na hari na magdilidili ng mabuti at masama: at ang Panginoong iyong Dios ay sumaiyo nawa.

213
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga Tao

At sinabi ng hari kay Joab, Narito, ngayon, aking ginawa ang bagay na ito: yumaon ka nga, dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom.

221
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukod sa Harapan ni David

At nagpatirapa si Joab sa lupa, at nagbigay galang, at binasbasan ang hari: at sinabi ni Joab, Ngayo'y talastas ng iyong lingkod na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, panginoon ko, Oh hari, sa paraang pinayagan ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.

256
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong AnakKababaihan, Kagandahan ng mgaMagandang Babae

At ipinanganak kay Absalom ay tatlong lalake, at isang babae, na ang pangala'y Thamar: siya'y isang babae na may magandang mukha.

262
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoPanununogPagsunog sa mga Halaman

Kaya't kaniyang sinabi sa kaniyang mga alipin: Tingnan ninyo, ang bukid ni Joab ay malapit sa akin, at siya'y may sebada roon; yumaon kayo, at silaban ninyo. At sinilaban ng mga alipin ni Absalom ang bukid.

266
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPaghalikPagpapanumbalikHalik, MgaPagyukod sa Harapan ni DavidHari na Ipinatawag, Mga

Sa gayo'y naparoon si Joab sa hari at isinaysay sa kaniya: at nang kaniyang matawag na si Absalom, siya'y naparoon sa hari, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari; at hinagkan ng hari si Absalom.

276
Mga Konsepto ng TaludtodBuhok, MgaPag-ahitGinugupitan ang BuhokMahabang BuhokTimbang ng Ibang mga BagayPanahon ng TaonBuhokTimbang

At pagka kaniyang ipinagugupit ang kaniyang buhok (sa bawa't katapusan nga ng bawa't taon siya ay nagpapagupit: sapagka't mabigat sa kaniya ang buhok kaya't kaniyang ipinagugupit:) kaniyang tinitimbang ang buhok ng kaniyang ulo na may dalawang daang siklo, ayon sa timbangan ng hari.

277
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Pakikitungo

At sinabi ng hari, Bumalik siya sa kaniyang sariling bahay, nguni't huwag makita ang aking mukha. Sa gayo'y bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, at hindi nakita ang mukha ng hari.

286
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipagkasundo sa Pagitan ng MananampalatayaDalawang TaonWalang Pakikitungo

At tumahan si Absalom na dalawang buong taon sa Jerusalem; at hindi niya nakita ang mukha ng hari.

298
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TiyagaIba pang Ipinapatawag

Nang magkagayo'y pinasuguan ni Absalom si Joab, upang suguin sa hari: nguni't hindi siya naparoon sa kaniya: at siya'y nagsugo na ikalawa, nguni't siya'y ayaw paroon.

301
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong BumibisitaIba pang IpinapatawagPagpayag na Magpatiwakal

At sinagot ni Absalom si Joab, Narito, ako'y nagpasugo sa iyo, na nagpasabi, Parito ka, upang aking masugo ka sa hari, na magsabi, Sa anong kapararakan naparoon ako mula sa Gessur? lalong mabuti sa akin na tumigil doon. Ngayon nga'y ipakita mo sa akin ang mukha ng hari; at kung may kasamaan sa akin, patayin niya ako.

322

Nang magkagayo'y sinabi ng babae: Pahintulutan mo ang iyong lingkod, isinasamo ko sa iyo, na magsalita ng isang salita sa aking panginoon na hari. At kaniyang sinabi, Sabihin mo.

336
Mga Konsepto ng TaludtodBakit mo ito Ginagawa?

Nang magkagayo'y bumangon si Joab, at naparoon kay Absalom sa kaniyang bahay, at nagsabi sa kaniya, Bakit sinilaban ng iyong alipin ang aking bukid?

372
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungan, sa Likas ng TaoKarunungan, Halaga sa TaoAnghel ng Panginoon, AngGaya ng mga Anghel

Upang baguhin ang anyo ng bagay ay ginawa ng iyong lingkod na si Joab ang bagay na ito: at ang aking panginoon ay pantas ayon sa karunungan ng anghel ng Dios, na makaalam ng lahat ng mga bagay na nasa lupa.

405
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagsalita, MgaBumaling sa Kaliwa at Kanan

At sinabi ng hari, sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito? At sumagot ang babae at nagsabi, Buhay ang iyong kaluluwa, panginoon ko na hari, walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari, sapagka't ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin, at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod:

414
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahal, Pagpapadama ngTao, Pagmamahal ngPuso ng Tao

Nahalata nga ni Joab, na anak ni Sarvia, na ang puso ng hari ay nahihilig kay Absalom.

439
Mga Konsepto ng TaludtodKaimperpektuhan, Impluwensya ngHuling mga BagayPangkalahatan ng KamatayanTagapamagitanMortalidadPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanPagpapanumbalik sa mga TaoMga Nilalang na Hindi sa Lupa

Sapagka't tayo'y mamamatay na walang pagsala at gaya ng tubig na mabubuhos sa lupa, na hindi mapupulot uli: ni nagaalis man ang Dios ng buhay, kundi humahanap ng paraan na siya na itinapon ay huwag mamalagi na tapon sa kaniya.

444
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid na LangisPangungulila, Pahayag ngPagtangisLangis na PampahidHindi MaligayaPagpahid ng Langis sa SariliNagkukunwariNaiibang Kasuotan

At nagsugo si Joab sa Tecoa, at nagdala mula roon ng isang pantas na babae, at sinabi sa kaniya, Isinasamo ko sa iyong ikaw ay magpakunwari na tagapanaghoy at magluksa, at huwag kang magpahid ng langis, kundi ikaw ay magpakunwaring isang babae na mahabang panahon na tumatangis dahil sa isang namatay:

445
Mga Konsepto ng TaludtodPapuriDungisUlo, MgaMasamang PalagayKagandahan sa mga LalakeMga Taong Ginawang GanapUri ng PaaKababaihan, Kagandahan ng mgaGuwapong Lalake

Sa buong Israel nga'y walang gaya ni Absalom na pinakakapuri dahil sa kagandahan: mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo, ay walang ipipintas sa kaniya.

484
Mga Konsepto ng TaludtodPulubi, MgaPagpapatirapaPagyukod sa Harapan ni David

At nang magsalita ang babae sa Tecoa sa hari, ay nagpatirapa sa lupa, at nagbigay galang, at nagsabi: Tulungan mo ako, Oh hari.

521
Mga Konsepto ng TaludtodUling, Talinghagang Gamit ngWalang NakaligtasIbinigay sa mga TaoPawiinPangalang BinuraParusang Kamatayan laban sa Pagpatay

At, narito, ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod, at sila'y nagsabi, Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid, upang siya'y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay, at sa gayo'y iwasak namin ang tagapagmana naman; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa.

553
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod sa LipunanDalawang AnakPagpatay sa mga Kapatid na Lalake

At ang iyong lingkod ay may dalawang anak, at silang dalawa'y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila, kundi sinaktan ng isa ang isa, at pinatay siya.

573
Mga Konsepto ng TaludtodTagapaghigantiBuhok, MgaBuhok, PagiingatTao, Naghihiganting

Nang magkagayo'y sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios, na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man, baka kanilang ibuwal ang aking anak. At kaniyang sinabi: Buhay ang Panginoon, walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa.

589
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga TaoNatagpuang may Sala

At sinabi ng babae, Bakit nga iyong inakala ang gayong bagay laban sa bayan ng Dios? sapagka't sa pagsasalita ng ganitong salita ay parang may sala ang hari, dangang hindi ipinabalik ng hari ang kaniyang sariling itinapon.

590
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagsalita, Mga

At pasukin mo ang hari, at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya. Sa gayo'y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig.

616
Mga Konsepto ng TaludtodAng Utos ng Hari

At sinabi ng hari sa babae, Umuwi ka sa iyong bahay, at ako'y magbibilin tungkol sa iyo.

619
Mga Konsepto ng TaludtodTunay na mga Balo

At sinabi ng hari sa kaniya, Anong mayroon ka? At siya'y sumagot: Sa katotohanan ako'y bao, at ang aking asawa ay patay na.

638
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Hinihipo

At sinabi ng hari, Sinomang magsabi sa iyo ng anoman, dalhin mo sa akin, at hindi ka na niya gagalawin pa.

672
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamo, Inosenteng

At ang babae sa Tecoa ay nagsabi sa hari: Panginoon ko, Oh hari, ang kasamaan ay suma akin nawa, at sa sangbahayan ng aking ama: at ang hari at ang kaniyang luklukan ay mawalan nawa ng sala.