Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 13

2 Samuel Rango:

23
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPanggagahasa

Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya.

68
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamuhiPaghihirap, Sanhi ngPandarayaLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaPagkamuhi sa Isang TaoPuso, Sugatang

Nang magkagayo'y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot; sapagka't ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya. At sinabi ni Amnon sa kaniya, Bumangon ka, ikaw ay yumaon.

74

At sinabi niya sa kaniya, Huwag ganyan, sapagka't itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin. Nguni't ayaw niyang dinggin siya.

79
Mga Konsepto ng TaludtodPananamitPananamit, Uri ngBalabalKasuotanMagandang KasuotanIpinipinid ang PintoIba't Ibang KulayKandado at Pansarado, MgaBirhen, Pagka

At siya'y may suot na sarisaring kulay: sapagka't ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari. Nang magkagayo'y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya.

90
Mga Konsepto ng TaludtodMagaliting mga Tao

Nguni't nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito, siya'y totoong napoot.

113
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanDamit, Pagpunit ngAbo, MgaPagtangisMagandang KasuotanYaong mga Humapak ng Kanilang KasuotanAbo ng Pagpapakababa

At binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na umiiyak ng malakas habang siya'y yumayaon.

135
Mga Konsepto ng TaludtodIpinipinid ang PintoKandado at Pansarado, Mga

Nang magkagayo'y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya, at sinabi, Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko, at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya.

167
Mga Konsepto ng TaludtodTauhang Pinapatahimik, MgaPagiisa at Kalumbayan

At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya, Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid? nguni't ngayo'y tumahimik ka, kapatid ko: siya'y iyong kapatid; huwag mong isapuso ang bagay na ito. Sa gayo'y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom.

182
Mga Konsepto ng TaludtodTupa na GinugupitanDalawang Taon

At nangyari, pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim: at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari.

228
Mga Konsepto ng TaludtodTupa na Ginugupitan

At naparoon si Absalom sa hari, at sinabi niya, Narito ngayon, ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod.

257
Mga Konsepto ng TaludtodKapaitan, Halimbawa ngSama ng LoobPagkamuhiPagibig, at ang MundoTauhang Pinapatahimik, MgaPinangalanang mga Kapatid na BabaePagkamuhi sa Isang Tao

At hindi nagsalita si Absalom kay Amnon kahit mabuti o masama man; sapagka't pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar.

273
Mga Konsepto ng TaludtodPistahanPagpaslang, Nagtagumpay naAlakKatapanganMga LasingMagpakatapang Ka!

At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang.

295

Nguni't pinilit siya ni Absalom, na anopa't kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari.

299
Mga Konsepto ng TaludtodBakit Ginagawa ito ng Iba?

Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?

304

At sinabi ng hari kay Absalom, Huwag anak ko, huwag tayong magsiyaong lahat, baka maging mabigat na pasan sa iyo. At pinilit niya siya: gayon ma'y hindi siya yumaon, kundi binasbasan siya.

312
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteTagapagbantayKanluran

Nguni't si Absalom ay tumakas. At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata, at tumingin, at, narito, dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol, sa likuran niya.

353
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Taon

Sa gayo'y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur, at dumoong tatlong taon.

358
Mga Konsepto ng TaludtodUsap-UsapanWalang NakaligtasPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

At nangyari, samantalang sila'y nasa daan, na ang balita ay dumating kay David, na sinasabi, Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari, at walang nalabi isa man sa kanila.

424
Mga Konsepto ng TaludtodKagandahan sa mga BabaePinangalanang mga Kapatid na BabaeLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaMagandang Babae

At nangyari, pagkatapos nito, na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y Thamar; at sininta siya ni Amnon na anak ni David.

440
Mga Konsepto ng TaludtodPagkahibangMaysakit na isang TaoMabigat na Gawain

At si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay.

465
Mga Konsepto ng TaludtodKatusuhanPagkakaibigan

Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya.

466
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoEspiritu, Kalikasan ngMagulang, Pagmamahal ngPaglakiping Muli

At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom: sapagka't siya'y naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na.

473
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangisYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

Nang magkagayo'y bumangon ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot, at humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot.

476
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangis sa Kapighatian

Nguni't tumakas si Absalom at naparoon kay Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur. At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw.

477
Mga Konsepto ng TaludtodNakahiga upang MagpahingaNagkukunwariMaysakit na isang Tao

At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay.

488
Mga Konsepto ng TaludtodMolaLikodHayop, Uri ng mgaPagsakay sa Mola

At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.

489
Mga Konsepto ng TaludtodLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaIba pang Taong Malulungkot

At sinabi niya sa kaniya, Bakit, Oh anak ng hari, sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan? hindi mo ba sasaysayin sa akin? At sinabi ni Amnon sa kaniya, Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom.

508
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipe, MgaPinangalanang mga Kapatid na BabaePagpatay sa mga Kilalang TaoKapatid sa Ina o Ama

At si Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David, ay sumagot at nagsabi, Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari, sapagka't si Amnon lamang ang patay: sapagka't sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar.

534
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng PandarayaKeykNagkukunwariMaysakit na isang Tao

Sa gayo'y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan: at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya, sinabi ni Amnon sa hari, Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar, at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay.

535
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-Tulugan, MgaPribadong mga Silid

At sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid.

562
Mga Konsepto ng TaludtodMinasang ArinaPagluluto ng TinapayMinamasa ang Harina

Sa gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay.

571
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa, Mga Pagbabawal tungkolIbinilang na mga HangalKahihiyan ay Darating

At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo.

580
Mga Konsepto ng TaludtodHangal na mga Tao

At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan.

583
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Kilalang TaoPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

Ngayon nga'y huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay, na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay: sapagka't si Amnon lamang ang patay.

608
Mga Konsepto ng TaludtodTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita, na, narito, ang mga anak ng hari ay nagsidating, at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam.

611
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Natupad Niyang Salita

At sinabi ni Jonadab sa hari, Narito, ang mga anak ng hari ay nagsisidating: kung ano ang sinabi ng inyong lingkod, ay nagkagayon.

620
Mga Konsepto ng TaludtodHumawakSeksuwal na Pag-uugnay, Ninais

At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko.

628

Nang magkagayo'y nagsugo si David sa bahay kay Thamar, na sinasabi, Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon, at ipaghanda mo siya ng pagkain.

636
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangisPlato, MgaGrupong Pinaalis

At kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko. At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya.