Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Samuel 7

2 Samuel Rango:

2
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanPaglilingkod, Sa Buhay ng MananampalatayaPagtataasWalang Nagbabantay sa KawanSaulo at DavidLingkod, Punong

Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa, sa pagsunod sa tupa, upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan, sa Israel:

6
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanCristo, Ang Binhi ni CristoPinuno, Mga Pulitikal naPagtulog at KamatayanJesu-Cristo, Propesiya niNalalapit na KamatayanKamatayan na MangyayariAng Kaharian ni Solomon

Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.

39
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos sa piling ng mga TaoPinagmumulan ng DangalPamumuno, Katangian ng

At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.

52
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanPasimulaDiyos na TagapagkaloobMapanggulong Grupo ng mga TaoPagtatatag sa Bayan ng DiyosIlagay sa Isang LugarPaglipat sa Bagong Lugar

At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel, at aking itatatag sila, upang sila'y magsitahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una.

60
Mga Konsepto ng TaludtodPagaari na KabahayanPanahon ng Kapayapaan

At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.

99
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagAltarCristo, Paghahari Kaylanman niPagtatatag ng Tahanan ng DiyosAng Kaharian ni Solomon

Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

130
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaKatataganCristo, Paghahari Kaylanman niAng Dinastiya ni DavidAng Kaharian ni Solomon

At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.

156
Mga Konsepto ng TaludtodBabala laban sa PagtalikodPagtalikod, Halimbawa sa Lumang TipanPagpapaalisDiyos na Nagpakita ng Kanyang Kagandahang-LoobSaulo

Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.

163
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanMapitaganPanalangin, Payo para sa MabisangPanalangin, Praktikalidad saNauupoMga Taong NakaupoAko ay Hindi MahalagaPamilya, Pagibig saPagibig at PamilyaLaging Nasa Isip

Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon: at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo?

165
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngYaong mga Nakakita ng Pangitain

Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David.

187
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ng

At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod, Oh Panginoong Dios.

210
Mga Konsepto ng TaludtodHinaharapPahayag sa HinaharapTao, Kanyang Relasyon sa Diyos

At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!

211
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosHimala, Katangian ng mgaMakabayanNatatanging Israel

At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan, gaya ng Israel, na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan, at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan, at upang igawa kayo ng mga dakilang bagay, at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain, sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto, mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios?

215
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya at Inspirasyon sa Lumang TipanPangitain at mga Panaginip sa KasulatanPangitain sa Gabi

At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi,

227
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kalooban ngPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngPagkadakila

Dahil sa iyong salita, at ayon sa iyong sariling puso, iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang iyong ipakilala sa iyong lingkod.

234
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkanatatangi ngMonoteismoIsang DiyosWalang Sinuman na Gaya ng DiyosWalang Iba na Diyos

Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.

243
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonPagkakaisa ng Bayan ng DiyosWalang Hanggang kasama ang DiyosIkaw ang Aming Diyos

At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.

255
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Kaloob ng DiyosSabbath sa Lumang TipanMaharlikang SambahayanPanahon ng Kapayapaan

At nangyari nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay, at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot,

259
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Gamit ngCedarPagaari na KabahayanTolda, MgaPagtatatag ng Tahanan ng DiyosMaharlikang SambahayanKaban, Ang Paglilipat-lipat saCedar na KahoyPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing.

282
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod, Sa Buhay ng MananampalatayaSalita ng DiyosPagtatatag ng Tahanan ng Diyos

Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan?

285
Mga Konsepto ng TaludtodAno ang Ginagawa ng DiyosPangako Tungkol sa, MgaPangako, MgaPalabasRealidad

At ngayon, Oh Panginoong Dios, ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan, iyong pagtibayin nawa magpakailan man, at iyong gawin gaya ng iyong sinalita.

315
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Hanggang PagpapalaNawa'y Pagpapalain ng DiyosPagtatalagaPagpapala mula sa Diyos

Ngayon nga'y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't ikaw, Oh Panginoong Dios ay nagsalita: at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod magpakailan man.

316
Mga Konsepto ng TaludtodCedarPastol, Bilang Hari at mga PinunoCedar na Kahoy

Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel, nagsalita ba ako ng isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na maging pastor ng aking bayang Israel, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro?

319
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngKatiyakanDiyos, Titulo at Pangalan ngKatapatanMagpapakatiwalaanAng Panginoon ay DiyosSalita ng Diyos ay TotooDiyos, Mapagkakatiwalaan ang

At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod:

335
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoIlagay sa Isang LugarPaglipat sa Bagong Lugar

Sapagka't hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako'y lumakad sa tolda at sa tabernakulo.

337
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngAng Dinastiya ni David

Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo.

343
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos sa piling ng mga TaoPagsasagawa ng Gawain ng Diyos

At sinabi ni Nathan sa hari, Yumaon ka, gawin mo ang lahat na nasa iyong puso; sapagka't ang Panginoon ay sumasa iyo.

345
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang Mandirigma

At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man, sa pagsasabi: Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel: at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo.

403
Mga Konsepto ng TaludtodPaghagupitDisiplina ng DiyosPamamaloPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngPagkaPanginoon ng Tao at DiyosKaparusahan ng DiyosAnak ng Diyos, MgaEspirituwal na Pag-aamponPag-amponMagulang na Mali

Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;