Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Amos 1

Amos Rango:

9
Mga Konsepto ng TaludtodPastol, Trabaho ngTheopaniyaKidlatDiyos na NagsasalitaPagtangis dahil sa PagkawasakPastulan ang KawanKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.

13
Mga Konsepto ng TaludtodMuogPagkawasak ng mga Muog TanggulanApoy ng Kahatulan

Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni Ben-hadad.

15
Mga Konsepto ng TaludtodLindolTrabahoPropeta, Buhay ng mgaPastol, Trabaho ngPropesiyang PangitainDalawang TaonYaong mga Nangangalaga ng KawanAgrikultura

Ang mga salita ni Amos, na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago lumindol.

22
Mga Konsepto ng TaludtodMoralidad at SannilikhaPag-uusig, Katangian ngTatlo o ApatIbinigay sa mga TaoMga Taong Ipinatapon

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, upang ibigay sa Edom.

23
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Muog TanggulanApoy ng Kahatulan

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:

25
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saPropeta, Gampanin ng mgaKasuklamsuklam, Kahatulan ngTipan, Relasyon saGalit sa Pagitan ng Magkakamag-anakTatlo o ApatIbinigay sa mga TaoKinalimutan ang mga Bagay

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang tipan ng pagkakapatiran.

28
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas, Mga WinasakKamay ng DiyosDiyos na PumapatayKamay ng Diyos na LabanPapatayin ng Diyos ang mga TaoDiyos na Pumapatay sa isang Tao

At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.

29
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uugaliWalang KabaitanKasuklamsuklam, Kahatulan ngKawalang HabagKawalang Habag, Hinatulan angGalit sa Pagitan ng Magkakamag-anakTatlo o ApatWalang Hanggang KahatulanMga Taong Walang AwaWalang Tigil

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.

30
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Muog TanggulanApoy ng Kahatulan

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.

31
Mga Konsepto ng TaludtodIpinatapong mga Banyaga

At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon.

33
Mga Konsepto ng TaludtodHanginPagkawasak ng mga Muog TanggulanApoy ng KahatulanSigaw ng PakikipaglabanBagyo, Mga

Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;

34
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Muog TanggulanApoy ng Kahatulan

Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.

35
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalaglagMga HanggananGawa ng Pagbubukas, AngPagbubuntisPagpapalawakKabanalan ng BuhayPaghihirap, Sanhi ngKasuklamsuklam, Kahatulan ngAmmonitaTatlo o ApatBinubuksan ang Bahay-BataSaktan ang mga BuntisHangganan

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.

95
Mga Konsepto ng TaludtodBakalPaniniil, Katangian ngPropeta, Gampanin ng mgaKasalanan at ang Katangian ng DiyosPaghihirap, Katangian ngPaghihirap ng mga Walang MuwangNgipinSalita ng DiyosKasuklamsuklam, Kahatulan ngTatlo o ApatMatatalim na mga GamitBakal na mga Bagay

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.

144
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya, Paraan sa Lumang TipanSetroEdenIpinatapong mga BanyagaDiyos na PumapatayPapatayin ng Diyos ang mga TaoKandado at Pansarado, MgaDiyos na Pumapatay sa isang TaoSiryaDamascus

At aking iwawasak ang halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.