Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Joel 3

Joel Rango:

7
Mga Konsepto ng TaludtodBilisAno ba ang ating Pagkakatulad?Diyos, Hihingin ngTrabaho na Malapit na Matapos

Oo, at ano kayo sa akin. Oh Tiro, at Sidon, at buong lupain ng Filistia? gagantihin baga ninyo ako? at kung ako'y inyong gantihin, maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo.

8
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga Araw

Sapagka't, narito, sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem.

19
Mga Konsepto ng TaludtodKumuha ng mga Pinahalong Metal

Yamang inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto, at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay,

28
Mga Konsepto ng TaludtodTahananMalayo mula rito

At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia, upang inyong mailayo sa kanilang hangganan;

34
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasanDiyos, Hihingin ng

Narito, aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila, at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo;

37
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat ng DistansyaMga Batang NaghihirapMalayo mula rito

At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda, at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba, sa isang bansang malayo: sapagka't sinalita ng Panginoon.

38
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaKaburulanKabanalan bilang Ibinukod sa DiyosDumaan sa GitnaZion, Bilang SagisagMga Banyaga sa Banal na DakoAko ay Kanilang Magiging DiyosKadalisayan ng Bagong NilalangDiyos na Nananahan sa Jerusalem

Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa.

39
Mga Konsepto ng TaludtodPinuputulanSibat, MgaKagamitanKahinaan, Espirituwal naAlanganing DamdaminWalang Lakas na Lampasan

Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.

45
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomKahatulan, Luklukan ngNauupoKalakasanPagkagising

Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot.

46
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Ibang mga BansaPinagmamadali ang Iba

Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPag-AaniKalaguang PisikalKaritPagtatanim at PagaaniPampiga ng UbasKasaganahan, Materyal naPagtapak sa mga UbasSisidlang Balat ng Alak

Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.

51
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholProstitusyonKalakalAlakKumuha ng AlakHalaga ng mga TaoKabayaraan sa Bayarang BabaePangaabuso sa BataHalaga na Inilagay sa Ilang TaoKabataan

At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom.

52
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Muwang na DugoAng Propesiya sa EdomPagpapadanakPagkawasak ng mga BansaKarahasan sa LupaPagpatay sa Walang Sala

Ang Egipto ay masisira, at ang Edom ay magiging ilang na sira, dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda, sapagka't sila'y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain.

53
Mga Konsepto ng TaludtodTirahanJerusalem

Nguni't ang Juda'y tatahan magpakailan man, at ang Jerusalem ay sa sali't saling lahi.

54
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Pagpapalaya na Mula sa DiyosDiyos na Nananahan sa JerusalemPanlinis

At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis: sapagka't ang Panginoon ay tumatahan sa Sion.

58
Mga Konsepto ng TaludtodArmagedonMakabayanBayan ng Diyos sa Lumang TipanKahatulanPangalan at Titulo para sa IglesiaPagtitipon sa Ibang mga Bansa

Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,

59
Mga Konsepto ng TaludtodBukalAlkoholUmiinomKaburulanMessias, Panahon ngGatasPagaari na KabahayanAlakBukal ng BuhayMasagana ang AlakMatalinghagang TagsibolPagpapala mula sa KabundukanBukal, Talinghagang Gamit ngMilenyal na PaghahandogBatis

At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim.

66
Mga Konsepto ng TaludtodTanggulang Gawa ng DiyosDiyos na ating BatoHimpapawidKidlatTanggulanZion, Bilang SagisagNanginginigDiyos na NagsasalitaZionKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

68
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasanHanda na sa DigmaanPaghahandaDigmaanLabananBayani, Mga

Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.