Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Awit ng mga Awit 3

Awit ng mga Awit Rango:

17
Mga Konsepto ng TaludtodPribadong mga SilidKaluluwa, Kapareha ng

Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.

44
Mga Konsepto ng TaludtodPakikiusapKabataang MagkasintahanUsa at iba pa.

Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya.

62
Mga Konsepto ng TaludtodKalakalPanahon ng PagmamahalanUsok, Talighagang Gamit

Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok, na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, ng lahat na blanquete ng mangangalakal?

71

Narito, ito ang arag-arag ni Salomon; anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito, sa mga makapangyarihang lalake ng Israel.

77

Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma: bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi, dahil sa takot kung gabi.

80
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap Ngunit Hindi Matagpuang mga Tao

Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.

94

Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin na kahoy sa Libano,

96
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Damdamin ngPag-aasawa at ang Lalakeng IkakasalTumitingin ng Masidhi sa mga TaoKasal, Mga Awitin sa

Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

99

Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem.

113

Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?

114
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig para kay Cristo, Pagpapakita ngPaghahanap sa Pagibig

Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.