Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Awit ng mga Awit

Awit ng mga Awit Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodLiryo, MgaRosas

Ako'y rosa ng Saron, lila ng mga libis.

2
Mga Konsepto ng TaludtodHalik, MgaPagibig at AlakIba pang mga Talata tungkol sa BibigDibdib

Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.

3
Mga Konsepto ng TaludtodMansanasKabataang Magkasintahan

Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.

4
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat, Talinghagang Gamit ngPagibigPagibig at AlakUmiibig

Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.

5
Mga Konsepto ng TaludtodLalake at Babae na Nagmamahalan, Mga

Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.

7
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Pagiging Kaakit-akitUsa at iba pa.UsaDibdib

Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal ng isang inahin, na nagsisisabsab sa gitna ng mga lila.

8
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig para kay Cristo, Katangian ng

Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.

9
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-Tulugan, MgaPagibig para kay Cristo, Pagpapakita ngPagkabighaniPinagmamadali ang IbaPagibig at AlakLalake at Babae na Nagmamahalan, MgaPribadong mga SilidPagmamahalan

Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo.

10
Mga Konsepto ng TaludtodUmalis naIba pa na Hindi SumasagotPaghahanap Ngunit Hindi Matagpuang mga Tao

Aking pinagbuksan ang aking sinta: nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis, napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa nang siya'y magsalita: aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya; aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin.

11
Mga Konsepto ng TaludtodAfrikano AmerikanoTapiseryaItim na LahiKababaihan, Kagandahan ng mgaKagandahan ng KalikasanKulayAng Kagandahan ng KalikasanPagiging Maganda

Ako'y maitim, nguni't kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, gaya ng mga tolda sa Cedar, gaya ng mga tabing ni Salomon.

12
Mga Konsepto ng TaludtodKagandahan sa EspirituwalPastulan ang KawanBakas ng Paa

Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor.

13
Mga Konsepto ng TaludtodIbon, Katangian ng mgaIbon, Uri ng mgaRosasTagsibol

Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain;

14
Mga Konsepto ng TaludtodAfrikano AmerikanoNakakapasoTumitingin ng Masidhi sa mga TaoItim na LahiHindi Pinangalanang Tao na Galit sa IbaArawIna at Anak na LalakeKulayAraw, Sikat ng

Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.

15
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala para sa Kanang KamayYakap, Mga

Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.

16

Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol.

17
Mga Konsepto ng TaludtodPribadong mga SilidKaluluwa, Kapareha ng

Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.

18
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayanBabae, Pagka

Kung siya'y maging isang kuta, pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: at kung siya'y maging isang pintuan, ating tatakpan ng mga tablang sedro.

19
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahalanRosas

Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.

20
Mga Konsepto ng TaludtodPampaganda

Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong.

21
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig para kay Cristo, Katangian ngPastulan ang KawanIbinababang mga Hayop

Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama?

22
Mga Konsepto ng TaludtodMansanasDibdibHininga

Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;

23
Mga Konsepto ng TaludtodSoro, MgaNamumulaklakAlagang Hayop, Mga

Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.

24
Mga Konsepto ng TaludtodHiyas, MgaHangganan

Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak.

25
Mga Konsepto ng TaludtodTunay na Pagibig

Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon.

26
Mga Konsepto ng TaludtodPastulan ang KawanMga Taong Inaangkin ang Ibang mga BagayPagsamba

Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

27
Mga Konsepto ng TaludtodMagandaPagsusuot ng mga PalamutiKagandahan ng KalikasanHiyas, Mga

Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas.

28

Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango.

29
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulaklakBumangon Ka!

Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.

30
Mga Konsepto ng TaludtodPuno ng Pir

Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro, at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.

31
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Pagiging Kaakit-akitDibdib

Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.

32

Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi.

33
Mga Konsepto ng TaludtodBumangon Ka!Tunay na PagibigUmiibigMagsingirog

Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.

34
Mga Konsepto ng TaludtodKabataang MagkasintahanUsa at iba pa.Usa

Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia.

35
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Pagiging Kaakit-akitSeksuwal na PagnanasaDibdib

Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan.

36
Mga Konsepto ng TaludtodKamanyangAng Lamig sa Umaga

Hanggang sa ang araw ay lumamig at ang mga lilim ay tumakas, ako'y paroroon sa bundok ng mira, at sa burol ng kamangyan.

37
Mga Konsepto ng TaludtodUmiibigPagkakaibigan at PagibigPagnanasa

Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, kung inyong masumpungan ang aking sinta, na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, na pagsinta.

38
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hinuhubaran ang mga Tao

Nasumpungan ako ng mga bantay na nagsisilibot sa bayan, sinaktan nila ako, sinugatan nila ako, inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta.

39
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusulat ng Awitin

Ang awit ng mga awit, na kay Salomon.

40
Mga Konsepto ng TaludtodPakikitungo sa mga TaoIka-walongpu

May anim na pung reina, at walong pung babae; at mga dalaga na walang bilang.

41
Mga Konsepto ng TaludtodPakikiusapUsa at iba pa.UsaUmiibig

Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya.

42
Mga Konsepto ng TaludtodGuwapong Lalake

Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian.

43
Mga Konsepto ng TaludtodMagandaAng Kagandahan ng Kalikasan

Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.

44
Mga Konsepto ng TaludtodPakikiusapKabataang MagkasintahanUsa at iba pa.

Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya.

45
Mga Konsepto ng TaludtodLeopardo

Sumama ka sa akin mula sa Libano, kasintahan ko, na kasama ko mula sa Libano: tumanaw ka mula sa taluktok ng Amana, mula sa taluktok ng Senir at ng Hermon, mula sa mga yungib ng mga leon, mula sa mga bundok ng mga leopardo.

46
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig at Alak

At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.

47
Mga Konsepto ng TaludtodAng Lamig sa UmagaHanggang sa Pagbubukang LiwaywayUsa at iba pa.

Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.

48
Mga Konsepto ng TaludtodGuwapong Lalake

Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula na pinakamainam sa sangpung libo.

49

Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.

50
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaPagkabighaniPangalan at Titulo para sa IglesiaPagtatagoMagandang Babae

Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.

51
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga TaoPinupuri ang Ilang Kinauukulang TaoTao, Ang Paborito ngPagiging Natatangi

Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.

52
Mga Konsepto ng TaludtodKabataang MagkasintahanUsa at iba pa.Usa

Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia.

53

Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: iparinig mo sa akin.

54
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulaklakGranada, Prutas naPaglalakad sa PagibigMaagang Pagbangon

Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.

56

Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango, at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma, na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.

57
Mga Konsepto ng TaludtodTumitingin ng Masidhi sa mga Tao

Bumalik ka, bumalik ka, Oh Sulamita; bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan. Bakit ninyo titingnan ang Sulamita, nang gaya sa sayaw ng Mahanaim.

58
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapaupa

Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.

59
Mga Konsepto ng TaludtodPangalan at Titulo para sa IglesiaPangalan at Titulo para sa KristyanoPulotKumain at UmiinomPagibig at Alak

Ako'y dumating sa aking halamanan, kapatid ko, kasintahan ko: aking dinampot ang aking mira pati ang aking especia; aking kinain ang aking pulotpukyutan pati ang aking pulot; aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas. Magsikain kayo, Oh mga kaibigan; magsiinom kayo, oo, magsiinom kayo ng sagana, Oh sinisinta.

60
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig para kay Cristo, Katangian ngAng Katotohanan ng KamatayanPagnanasaWalang Tigil

Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon.

61

Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan?

62
Mga Konsepto ng TaludtodKalakalPanahon ng PagmamahalanUsok, Talighagang Gamit

Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok, na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, ng lahat na blanquete ng mangangalakal?

63
Mga Konsepto ng TaludtodCristo, Katangian niPagsamba kay CristoPagkabighaniKagandahan

Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

64
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Pagmamahal ngKuwintasPagkabighaniPagsusuot ng mga PalamutiHiyas, MgaPuso, Tibok ng

Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko, iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata, ng isang kuwintas ng iyong leeg.

66

Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang; tumigil tayo sa mga nayon.

67
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig at AlakPanahon ng Pagmamahalan

Pagkaganda ng iyong pagsinta, kapatid ko, kasintahan ko! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sari-saring pabango!

68
Mga Konsepto ng TaludtodAng Buwan

Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?

69
Mga Konsepto ng TaludtodPangalan at Titulo para sa Iglesia

Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising: ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi, pagbuksan mo ako, kapatid ko, sinta ko, kalapati ko, sakdal ko: sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog, ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi.

70
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabas ng BuhokKabataang MagkasintahanBuhokKaibigang Babae, Mga

Narito, ikaw ay maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong lambong: ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng Galaad.

71

Narito, ito ang arag-arag ni Salomon; anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito, sa mga makapangyarihang lalake ng Israel.

72
Mga Konsepto ng TaludtodKaitimanUwak, MgaPaglabas ng BuhokKulayBuhokBuhol-buhol na Buhok

Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto: ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak.

73
Mga Konsepto ng TaludtodPangalan at Titulo para sa IglesiaIpinipinid ng MaingatKandado at Pansarado, MgaPagmamahalan

Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko; bukal na nababakuran, balon na natatakpan.

74
Mga Konsepto ng TaludtodKamanyangSinamon

Nardo at azafran, calamo at kanela, sangpu ng lahat na punong kahoy na kamangyan; mira at mga eloe, sangpu ng lahat na pinakamainam na especia.

75
Mga Konsepto ng TaludtodHalamananGranada, Prutas na

Ang iyong mga pananim ay halamanan ng mga granada, na may mahalagang mga bunga; albena sangpu ng mga pananim na nardo,

76
Mga Konsepto ng TaludtodDumadaloy na TubigPinapawiPagibig ni Jesus sa mga BanalPagibig para kay Cristo, Katangian ngPagmamahalan

Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.

77

Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma: bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi, dahil sa takot kung gabi.

78
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulaklakLaro, Mga

Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak.

79
Mga Konsepto ng TaludtodGaringPagsusuot ng mga Palamuti

Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro.

80
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap Ngunit Hindi Matagpuang mga Tao

Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.

81
Mga Konsepto ng TaludtodLiryo, MgaBulaklakPisngi

Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia, gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay: ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira.

82
Mga Konsepto ng TaludtodMansanasIba pang Tumutulong

Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.

83

Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.

84
Mga Konsepto ng TaludtodPulotMayamang PagkainKabiyak

Ang iyong mga labi, Oh kasintahan ko, na nagsisitulo na gaya ng pulot-pukyutan: pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila; at ang amoy ng iyong mga suot ay gaya ng amoy ng Libano.

85
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Tutungo?

Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, upang siya'y aming mahanap na kasama mo?

86
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Inaangkin ang Ibang mga BagayPagmamahalanNabibilangMagsingirog

Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

87
Mga Konsepto ng TaludtodBagay na Tulad ng Ginto, Mga

Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro.

88

Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay.

89
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na Espiritu, Paglalarawan saSeksuwal na PagnanasaPagkagisingAng Hilagang Hangin

Gumising ka, Oh hilagaang hangin; at parito ka, ikaw na timugan; humihip ka sa aking halamanan, upang ang mga bango niya'y sumalimuoy. Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan, at kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga.

90
Mga Konsepto ng TaludtodGranada, Prutas naPagibig at Alak

Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, na magtuturo sa akin; aking paiinumin ka ng hinaluang alak, ng katas ng aking granada.

91
Mga Konsepto ng TaludtodMagandaSapatosPagsusuot ng mga PalamutiHiyas, MgaManggagawa ng SiningMagandang Babae

Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.

92
Mga Konsepto ng TaludtodMagkapatid, Pagibig ngDibdib

Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin.

93
Mga Konsepto ng TaludtodHardin, Mga

Ikaw ay bukal ng mga halamanan, balon ng mga buhay na tubig, at mga balong na tubig na mula sa Libano.

94

Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin na kahoy sa Libano,

95
Mga Konsepto ng TaludtodLeeg, MgaLugar para sa mga SandataKagandahanKrusada

Ang iyong leeg ay gaya ng moog ni David na itinayo na pinaka sakbatan, na kinabibitinan ng libong kalasag, ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake.

96
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Damdamin ngPag-aasawa at ang Lalakeng IkakasalTumitingin ng Masidhi sa mga TaoKasal, Mga Awitin sa

Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

97
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat, Talinghagang Gamit ng

Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.

98

Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan?

99

Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem.

100
Mga Konsepto ng TaludtodKasal, Mga Panauhin saMagkapatidPagtatatag ng RelasyonKalaguanMagkapatid, Pagibig ngDibdib

Tayo'y may isang munting kapatid na babae, at siya'y walang mga suso: ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya'y ipakikiusap?

101
Mga Konsepto ng TaludtodPakikiusapPanahon ng PagmamahalanPagibigPagnanasaDamdaminUmiibigPaghihintay hanggang sa MagasawaPagkagisingAng Hilig sa mga Babae

Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya.

102
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabighaniPagmamahalan

Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!

103
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala para sa Kanang Kamay

Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.

104
Mga Konsepto ng TaludtodRosas

Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta; at ang aking mga kamay ay tutulo ng mira, at ang aking mga daliri ng malabnaw na mira. Sa mga tatangnan ng trangka.

105
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Pagmamahal ngKalooban

Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan, at nakilos ang aking puso sa kaniya.

106
Mga Konsepto ng TaludtodTumitingin ng Masidhi sa mga TaoPaglabas ng BuhokTalon, Mga

Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad.

107

Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila.

108
Mga Konsepto ng TaludtodKambal, MgaNgipinMalinis na mga HayopNakunang Hayop, Mga

Ang iyong mga ngipin ay gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit, na nagsiahong mula sa pagpaligo, na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila.

109
Mga Konsepto ng TaludtodPalanguyan

Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco.

110
Mga Konsepto ng TaludtodPulang Tali, MgaIba pang mga Talata tungkol sa Bibig

Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula, at ang iyong bibig ay kahalihalina: ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada. Sa likod ng iyong lambong.

111

Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila.

112
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabas ng Buhok

Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.

113

Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?

114
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig para kay Cristo, Pagpapakita ngPaghahanap sa Pagibig

Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.

115
Mga Konsepto ng TaludtodPalma, Puno ngDibdib

Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.

116
Mga Konsepto ng TaludtodUsa at iba pa.Dibdib

Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa.

117
Mga Konsepto ng TaludtodKambal, MgaNgipinMalinis na mga HayopNakunang Hayop, Mga

Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila.